Saturday, January 15, 2011

PPP, Mapang-api?

Napanood ko kamakailan sa balita na sinopla raw ni P-Noy ang kondisyon ang kondisyon ng CPP-NPA-NDF (CNN). Natuwa ako noong napanood ko to. Buti naman kako at hindi na nagpapaloko si P-Noy sa CNN. Sa wakas ay nagpakita na siya ng political will. Isa kasi ako sa mga hindi naniniwala sa pinaglalaban at paraan ng CNN.

Habang pinapanood ko ang balita ay bigla akong nagdalawang isip. Ang kondisyon pala ng CNN na tinanggihan ni P-Noy ay ang paghihinay-hinay o tuluyang pagpapahinto sa mga PPP. Bagama't hindi ako naniniwala sa kanilang paraan, pati na sa kanilang pinaglalaban, at hindi rin naman ako sigurado kung totoo sila sa pagkontra sa PPP, nakikiisa ako sa CNN sa isyung ito.

Ang Public-Private Partnership ay ang pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pamahalaan upang maisakatuparan ang iba't ibang mga proyekto na makakatulong at makakaginhawa sa mga mamamayan.  Bilang kapalit, binibigyan ng karapatan ang mga namuhunan upang mabawi ang kanilang pera at tumubo pa ito. 

Kontra ako sa pagpasok ng pamahalaan sa PPP at may ilan akong dahilan.

Kung titingnan natin, ang PPP ay mapang-api. Oo maaaring mas mabilis nitong maibigay sa atin ang  mga proyekto at imprastraktura pero panilaw at panlinlang lamang ito. Hindi tulad sa isang ordinaryong negosyo, siguradong tutubo at walang tsansang malugi ang mga namuhunan sa PPP.

Kanino babawiin ng mga namuhunan ang kanilang pera? Kanino pa e di sa atin! Ito ang dahilan kung bakit sobrang taas ng singil sa SLEX at NLEX. Malamang ito rin ang dahilan kung bakit ang laki ng expenses ng LRT at MRT. Kasama kasi sa binabayaran natin pati na ng pamahalaan ang tubo ng mga namuhunan. Kung pamahalaan na lang sana ang nagpatayo nito, edi sana mas mababa ang kailangang bayaran natin at ng pamahalaan kasi wala nang isasamang tubo. Di ba? Publiko ang nalulugi rito.

Karamihan din sa mga PPP na aking nababalitaan ay pawang mga dayuhan. Katanggap-tanggap pa sana kung kapwa Pinoy ang mga investors. Matagal na nating pinapalamon ang mga dayuhan at dapat na itong matigil

Isa pa, hindi kaya nasasayang lang ang buwis natin kung papasok lang ang pamahalaan sa napakaraming PPP? Biruin ninyo, nagbabayad na tayo ng road user's tax, bakit pa natin kailangang magbayad ng toll para lang makadaan sa isang kalsadang kasingganda ng NLEX at SLEX?  

Nararapat lamang na maghinay-hinay na ang administrasyon ni P-Noy sa pagpasok sa PPP dahil bagama't mukhang kapaki-pakinabang, ito ay pangmatagalang pasakit.

Hindi ako isang ekonomista kaya maaaring maraming mali sa aking opinyon. Ikaw, mapanuring pinoy, ano ang iyong palagay?  Nararapat bang ipagpatuloy pa ng administrasyon ni P-Noy ang pagpasok sa mga PPP?

9 comments:

Anonymous said...

dyan magaling gobyerno. pinapaboran lagi yung malalaking dayuhan

Anonymous said...

tangina nyo tsupain nyo na lang ang mga teroristang ito at pakawalan lahat ng npa at sila ang ilagay sa gobyerno tutal marami naman pala sila alam e

Anonymous said...

e di ba sabi ni noynoy e dadagdagan pa yung mga PPP na pinapasok ng pamahalaan? yari na. malamang pati yung mga serbisyo ng pamahalaan na dapat mura lang e magiginng mahal.

nasasayang buwis natin. kung wag na lang tayo magbayad ng buwis? wala namang kinapupuntahan buwis natin. nagbabayad tayo ng road user's tax pero nagbabayad din tayo ng toll para makadaan sa magandang kalsada.

bukod sa PPP, isa pang kalokohan ng pamahalahaan e yang privatization pati na yung pagpapahintulot sa monopolyo. pucha kaya sobrang taas ng kuryente kasi ang laki ng patong ng meralco

Anonymous said...

may balita na may rally daw ang mga estudyante ng UP sa Feb 1 ata. about sa LRT. maghanda na sa traffic

Anonymous said...

tanginang mga ppp yan. di naman kinokonsulta ang mga maaapektuhan bago nila pasukin ang kontrata

Mang Pedo

Anonymous said...

la na kasunod ?

Anonymous said...

mukhang medyo inactive si mapanuring pinoy. sayang

Anonymous said...

improve mo pagsusulat mo. ang panget, "mapanuri" ka pa naman!

Anonymous said...

allow lahat ng PPP. bobo kasi ang pinoy, pati presid....never mind....pag tayo gumawa katakot takot na kurakot...katakot takot na delay....katakot takot na mali sa desenyo...sub-standard pa materyales...kaya hayaan na lang sila at observe na lang tayo para matuto tayo sa tamang pamamaraan...

Post a Comment