Friday, January 7, 2011

Mga Pulis, Nakakainis!!!

Napakahalaga ng tungkulin ng mga pulis sa ating bansa. Responsibilidad nila na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa isang lugar. Sila ang naatasang magpatupad ng batas. Tungkulin din nila na hulihin ang mga taong nagkakasala at higit sa lahat, ang pagsilbihan ang sambayanan. Upang maisakatuparan ang kanilang tungkulin ay pinagkakalooban sila ng armas. Dahil sa napakahalagang trabaho sa ating bansa, ang mga pulis ay sinusunod, tinitingala at ginagalang.

Subalit sa kasamaang palad, mukhang kabaligtaran na ang mga nangyayari ngayon. Sa halip na tiyakin ang kaayusan at magpatupad ng batas, mukhang sila pa minsan ang numero-unong nangugulo sa kaayusan at lumalabag sa batas. Lumalabas din na imbes na pagsilbihan ang sambayanan, mukhang sila pa ang pinagsisilbihan ng sambayanan.

Napakarami nang kaso ng pang-aabuso ng pulis ang ating nabalitaan at ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.

Hindi natin makakalimutan ang Quirino Grandstand Hostage Drama kung saan nasaksihan ng mundo ang kahinaan ng ating SWAT (http://en.wikipedia.org/wiki/Manila_hostage_crisis). Noong ika-23 Agosto, 2010 ay pinasok ni Former Sr. Insp. Rolando Mendoza ang isang tourist bus na punong-puno ng mga turistang Hong Kong Nationals. Matapos ang ilang sandali ay dineklara niyang hostage na niya ang lahat ng nasa loob ng bus. Isa sa mga kundisyon niya sa  pagpapalaya sa mga hostage ay ang pagbabalik sa kanya sa serbisyo. Bago kasi naganap ang panghohostage ay iniutos ng Ombudsman ang pagsibak kay Medoza mula sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot niya sa hulidap (robbery extortion). Noong una ay mahinahon si Mendoza at pinalaya pa nga niya ang ilan sa mga hostage. Subalit pagsapit ng gabi, matapos makita ang kanyang kapatid na pinosasan ay biglang nagbago ang timpla ni Mendoza at bumagsak ang negosasyon. Ipinag-utos ang pagsugod ng MPD-SWAT sa bus subalit tila hindi pala sila handa para dito. Nasaksihan ng buong mundo ang kakulangan nila sa kagamitan at kakayahan. Sa pagtatapos ng hostage drama ay 8 turistang Hong Kong Nationals ang namatay at marami ang pumuna sa kapalpakan ng mga pulis.

Bago pa man maganap ang Quirino Grandstand Hostage Taking ay nasadlak na rin sa kahihiyan at pambabatikos ang PNP lalo na ang Manila Police District matapos kumalat ang isang torture video. (http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/08/18/10/cop-allegedly-torture-video-was-violent-arrogant) Sa nasabing video ay kitang-kita ang ginawang pangtotorture ni Senior Inspector Joselito Binayug sa isang hinihinalang snatcher. Sa video ay makikita na hinihila ni Binayug ang ari ng hubo’t hubad na lalaki gamit ang isang tali.

Noong ika-25 ng Nobyembre, 2010 lumabas ang balita na isang buntis na babae ang di-umano tinangkang patayin ng tatlong pulis sa Cavinti Road, Brgy, Pagsanjan, Pagsanjan, Laguna. (http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=633666&publicationSubCategoryId=67) Tinangkang patayin ng tatlong pulis ang babae sapagkat ito ay saksi sa ginagawa nilang hulidap (robbery extortion). Sa kabutihang palad ay nagawa niyang makatakas at di-nagtagal ay may isang drayber ng jip ang nagmagandang loob na itakbo siya sa ospital. Nahuli at kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa tatlong pulis habang ang isa ay hindi pa rin nahuhuli

Napasailalim naman si Senior Inspector Oscar Magsibang sa preventive suspension matapos makuhanan siya ng video habang nakikipagtalo at tinututukan niya ng baril ang mga security guards sa Ortigas Center. Nag-umpisa ang kaguluhan matapos sitahin si Magsibang ng mga sikyo dahil sa isang parking violation. Matapos magtawag ng backup na SWAT ay naging mayabang at arogante di-umano si Magsibang. Dahil sa kaguluhan ay maraming mga sibilyan ang natakot.

Ilang pulis mula sa Quezon City Police Disctrict naman ang nagtangkang kidnapin ang 1 Indian National. Sa naganap na engkwentro ay namatay ang dalawang kasamahan ng Indian National na pawang Indian din. Sa kabutihang palad ay naroroon ang isang Pulis-Pasay na nakipagbarilan sa mga pulis na nagtangkang mangidnap at dahil dito ay nakaligtas ang Indian National

At nito nga lamang ika-4 na Enero, ilang araw matapos ang bagong taon ay napabalita na isang babae ang ginahasa at ninakawan ng isang pulis sa mismong opisina ng Manila Police District’s Integrity Task Force. Ang pulis na sangkot sa kasong ito ay si PO3 Antonio Bautista Jr. Ayon sa balita, hinuli raw ni Bautista ang isang babae at dinala ito sa MPD-ITF kung saan ito ginahasa at ninakawan pa ng 4000 piso.

Bukod pa sa mga kasong ito ay hindi rin mawawala ang mga “Kotong-Cops”. Hindi ko makakalimutan ang pagkakataon kung saan hinarang kami ng mga pulis sa Bonifacio Avenue kahit na wala naman kaming nilabag na batas. Bagama’t hindi nila sinasabi, halatang humihingi ng kotong ang mga pulis. Nakipagmatigasan kami at binantaan namin na marereklamo sila kaya naman pinaalis na rin kami.

Nariyan din ang di-mabilang na mga pulis na inirereklamo ng mga complainants kay Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo tuwing hapon sa DZXL. Karamihan sa mga complainant ay mahihirap at kayang apihin ng mga pulis.

Madalas tuloy ay naitatanong natin kung nagagawa pa ba ng mga pulis natin ang kanilang mga trabaho? Dati rati panatag ang loob natin kapag may pulis pero ngayon ay kabaligtaran na ang nangyayari. Tuwing may pulis na malapit ay madalas kinakabahan na tayo na baka tayo ay mapagtripan o kaya ay makotongan.

Nakakainis, ano na ba ang nangyari sa ating pulis? Bakit kaya sila numero-uno pang nangugulo sa kaayusan at lumalabag sa batas? Bakit na sa halip na tayo’y pagsilbihan, mukhang sila pa ang pinagsisilbihan at pinalalamon lalo na ng maliliit na tao?

Marahil isa sa mga dahilan ay mali ang takbo ng isip ng mga pulis. Kadalasan ang iniisip lang nila ay ang kanilang kapangyarihan. Nagpapakahirap sila maging pulis upang maging siga, magkaroon ng baril, magkaroon ng kapangyarihan at mag-hariharian. Nakalimutan na nila na higit sa kapangyarihan sa kanila’y ibinigay, mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ang pagsisilbi sa sambayanan.

Lumalabas din na hindi sapat ang kakayahan at kaalaman ng mga pulis. Hindi sila dumaan sa matinding pagsasanay. Kitang-kita ito sa kanilang pag-uugali, sa paghawak nila ng mga kaguluhan at pati na rin sa kanilang pangangatawan. Paano masasabing dumaan sa matinding pagsasanay ang mga pulis kung mas malaki pa ang tiyan nila sa isang babaeng buntis?

Sa pagsasanay kasi ng mga pulis, dapat ay quality over quantity. Wala ring kwenta ang maraming pulis kung karamihan naman sa kanila ay bastos at kulang sa kaalaman. Mas mainam na magkaroon ng mga pulis na magagalang, maalam at may kakayahan Di kataka-taka na kadalasan ay nalalabag nila ang karapatang pantao ng mga tao lalo na ng kanilang mga hinuhuli


Hindi rin maikakaila na kulang ang suporta ng pamahalaan sa mga pulis. Napakababa kasi ng kanilang sweldo kung ikukumpara sa napakabigat nilang responsibilidad. Bukod sa mababang sweldo, kadalasan din ay may kakulangan sa mga armas kaya naman napipilitan ang ilang mga pulis, lalo na yung mga baguhan, na mangotong para magkaroon ng pambili ng baril. Bukod sa mga armas, may kakulangan din sa mga sasakyan kaya minsan ay sarili nilang motorsiklo ang ginagamit nila pag rumeresponde. Napakahirap din sa mga pulis, lalo na sa mga baguhan, ang magpakatino kung yung mismong mga pinuno mo ang gumagawa ng mga kalokohan.

Kung nais ng pamahalaan na tumino ang ating mga pulis ay dapat higpitan ang screening para sa mga nagbabalak na mag-pulis. Makakatulong kung hindi lamang ang mga baguhan ang dumadaan sa screening, dapat ay magkaroon ng regular na pagsiyasat sa mga pulis, mula sa kanilang pangangatawan, sa kanilang performance record at mga kasong kinakaharap pati na rin sa kakayahan nilang rumesponde sa iba’t ibang pangyayari.

Mas maganda rin kung bibigyan ng mas mataas na sahod ang mga pulis pati na rin ng magaan sa bulsang pabahay. Kailangan din na dagdagan ng pamahalaan ang ibinibigay nito sa mga pulis at siguraduhing nakakarating ito sa mga PO1 at hindi hanggang kay heneral lamang.

Hindi maikakaila na nakakainis ang nangyayari sa ating mga pulis. Napakarami na nilang kinasangkutan na krimen at ito’y nadaragdagan araw-araw. Dapat ay kumilos na ang pamahalaan upang ito ay masolusyunan.

24 comments:

Anonymous said...

mga abusadong pulis yan, mga mayayabang at mga siga. kaya minsan sa npa na dumudulog mga tao lalo na sa probinsya

Anonymous said...

^ tangna mo ikaw na lang naniniwala sa npa, idol mo siguro yung morong 43, kung ako lang pulis e nirape ko na yung mga yun dahil wala naman mabuting naidudulot ang mga putanginang npa na yan at mga gagong umiidolo sa kanila gaya mo

tama lang ang ginagawang panonorture sa mga yan para naman makabawi ang taong bayan sa mga ninakaw at pinatay nilang tao dahil lang sa cellphone, sinong hindot ang mag dedemanda sa mga kriminal na yan ng anim na tao dahil sa hinablot ang iyong 3310, hanggat walang pagbabago ang ating justice system e maraming tao pa rin ang susuporta sa mga ganyang pulis, tama lang patayin na nila ang mga holdaper, npa, mga intsik at pusher na mga yan!!!

Anonymous said...

^ yup.more like moron 43. mga komunista yun na nagpapanggap na makabayan.

pero pre yung mga biniktima po diyan tulad nung vendor, yung indian national pati na yung buntis na witness e talaga pong inosente. dapat maparusahan yung mga pulis na yan.

tama rin si M_P na dapat higpitan ang pagpasok ng pulis saka dagdagan benepisyo nila lalo na yung mga PO1

Anonymous said...

Deserve man o hindi nung tinorture yung ginawa sa kanya mali parin yun. Bopols talaga mga pulis sa pilipinas. Kapag nakakakita ako ng pulis iniisip ko agad kung anong kabulastugan at pang-aabuso ang gagawin nya mamaya.. saksakan ng yabang pa!

Anonymous said...

tignan nyo nangyari dun sa pinatay na barangay tanod sa caloocan na napicturan nya pa, sabi nung pumatay tama lang daw mamatay yung baranggay tanod e putangina dinala na pala sa kulungan yun e pinakawalan lang dahil wala namang kaso, ayan ang gusto nyo diba, pakawalan yung morong 43, pakawalan yung nahuling leader ng npa, peace talk sa MILF e pero kung naholdap kayo e galit na galit kayo kung pinapatay na lang ng mga pulis yang mga putanginang kriminal na yan e d sana buhay pa yung baranggay tanod na yun, buhay pa sana si tara, buhay pa sana yung mga hinoldap at pinatay ng mga gagong idolo nyo, mga hindot pasalamat pa dapat kayo sa mga pulis tuwing may ganyang balita ng panonorture

eto pa panoorin nyo laplapan ng mga kriminal sa presinto, sana pinatay na din ng pulis ang mga gagong ito

http://www.youtube.com/watch?v=jmRyk4kDorg&feature=related

HaRdYiCk said...

mahirap na maibalik ang tiwala ng tao sa mga pulis.. aminin na lang natin na marami sa pinas ang abusadong pulis.. mabibilang na lang talaga sa daliri ang mga responsable at respetadong mga pulis.. pero sa dinami dami din kasi ng kriminal ngayon, nakakasikip lang sila sa kulungan at gastos lang sila sa kaban ng bayan, kaya minamarapat na lang ng ibang pulis na paslangin sila at iligpit para hindi na pamarisan ng iba..

Anonymous said...

. . . hindi indian nationals ang kasama ng "balak sanang" kidnapin na bumbay. mga pilipino din sila. kaso tigok na rin sila kasi sinalvage sila ng mga pulis anti-drugs-
(wala lang)

Anonymous said...

napanood niyo yung sa 24 oras kahapon? hayop na mga pulis. siguro pag may nasasabat silang bato e sila rin ang tumitira.shit

-Renz

Mapanuring Pinoy said...

tama ka renz. kung hindi ako nagkakamali, ang isa doon ay si PO1 Antonio Carmona na taga Caloocan at yung isa naman ay pulis Bulacan. Ang nakakalungkot, imbes na sila. katulong ang PDEA ang tumutugis sa mga drug user, sila rin pala ay gumagamit

Anonymous said...

guys panoorin natin yung sa imbestigador.nandun yung 2 tangina

Anonymous said...

May bago, tingnan nyo ito: "http://www.abante-tonite.com/issue/jan2111/index.htm"

Anonymous said...

^ putanginang pulis. matinik pa sa bangus

Mapanuring Pinoy said...

Nakakatuwang isipin na kapag napressure naman pala ang pulis ay kaya nilang gawin ang trabaho nila. Tingnan na lang natin yung nangyari sa kaso ni venson evangelista tsaka yung kay lozano. biruin ninyo, may mga nahuli kaagad ang mga pulis na mga suspek. Kaliwa't kanan din ang crackdown sa mga carjackers at carnappers. Keep up the good work.

Pero paano kaya kung hindi sikat yung mga nabiktima? kikilos kaya ng ganito kabilis ang mga pulis?

Isa pa, matagal na pala nilang tinitiktikan ang mga carjackers na ito, bakit ngayon lang nila pinaghuhuli kung kailan may nabiktima na?

Hindi ko tuloy maiwasang maisip na may mga protektor na mga pulis ang mga carjackers na ito. Baka nga, bata pa sila mismo ng mga pulis. Kaya lang siguro hinuhuli dahil mainit ang mata ng media ngayon.

Kayo ano sa palagay ninyo?

Anonymous said...

@ mapanuring pinoy

alaga ng mga pulis yung mga kriminal na yan

Anonymous said...

karamihan sa mga pulis dito wala sa ayos, mayayabang porket may baril, minsan yung iba mas-masahol pa sa kriminal, mga putang-ina talaga. Sarap pagpapatayin. Dapat pag nagkasala ang may mga kapangyarihan bitay ang parusa, to protect and serve - gago, mga peste kayo. Ang dali kasi maging pulis kaya kahit mga isip kriminal nakakapasok.

Anonymous said...

karamihan talaga ng pulis sa pilipinas ganyan imbes na alagad ng katarungan at tagapagpatupad nito, eh alagad pala ni satanas mga demonyo, di na nahiya sa uniporme nila, kawawa naman yung mga natitirang kakaunting mga pulis na matino sa pinas. kung ganyan din lang naman sana eh mag-resign nalang sila at maging full-time kriminal. Huwag na nila dungisan ang kapulisan sa pinas. Kawawa talaga tayong mga pinoy dahil sa mga kababayan nating ganyan.

Anonymous said...

sa mga may galit sa pulis wag nyo naman idamay lahat, sa pulis pa rin naman ang takbo nyo kapag humingi kayo ng tulong laban sa mga masamang tao, sa mga media naman lalo na sa abs cbn at gma kaya nyo lang naman tirahin ung mga alam nyong d makakaganti sa inyo, bat d nyo ipalabas ang kawalanghiyaan ng mga NPA? ang pagpatay at paghingi nila ng sapilitang pera sa mga kababayan natin na nagsusumikap magtrabaho?

Anonymous said...

@ March 3
anong sa pulis ang takbo? vigilante takbo namin loko.

Anonymous said...

buti nga at nahuli yung 3 pulis na bumiktima kay arnel.

Anonymous said...

dati gus2 kong maging pulis at magsundalo kc inggit aq sa plantsadong uniform at macho ang dating.....pero ngaun ayw ko masira pagkalalaki ko....

Anonymous said...

minsan lumapit ak sa amin sa caloocan police station dahil na isnatch ung walet ko kalain mo humingi pa meryenda...kung uso na fish kill nun un sana ibigay ko eh........

Anonymous said...

hahaha

Anonymous said...

tang ina niyo lahat.

Unknown said...

MARAMI PA RIN MGA PULIS... NA GINAGAMIT ANG KANILANG PANGALAN SA KAYABANGAN DAHIL PULIS.... HINDI TUNGKULIN ANG KANILANG INIISIP KUNDI ANG KANILANG YABANG... KUNG MAKAPAGTUTSA SILA NG TAO... AKALA NILA KUNG SINO SILANG MGA MAGAGALING NA PULIS..... NAKAKAINIS....SANA HINDI LAHAT NG PULIS AY TATAASAN NG SAHOD... KUNDI PILING PILI LANG ANG MGA PULIS NA DAPAT TAASAN ANG SAHOD.... WITH IN THRU PERFORMANCE LANG KUNG BAGA ANG PAGTATAAS NG SAHOD... KUNG PANGIT ANG PERFORMANCE E BAKIT KAILANGAN PANG TAASAN DIN NG SAHOD.... EH MAS LALO LANG LUMAKI ANG ULO NG IILANG MGA MAYAYABANG AT TAMAD NA PULIS.... YONG KLASENG PULIS NA KUNG SINO SIYA SA TINGIN NIYA SA KANYANG SARILI... SOBRANG BILIB SA SARILI... KAHIT NAKAKASUKA NA.... NAKAKA BWESET NA........

Post a Comment