Nitong mga nakaraang araw (Nobyembre 25-26) ay bumandera sa ating mga telebisyon ang welga at strike ng mga mag-aaral at mga guro sa iba't ibang pampublikong kolehiyo. Ipinaglalaban daw nila ang ang pagbibigay ng pamahalaan ng mas mataas na budget para sa mga state colleges and universities. Pinangunahan ang strike ng mga mag-aaral ng UP Diliman, UP Manila pati na ng PUP. Sa UP Manila pa nga lang, humigit kumulang sa 2000 mag-aaral daw ang sumama sa strike kaya naman kakaunti lamang ang nagkaroon ng klase.
Pero kung susuriin natin, may katwiran nga ba ang pinaglalaban ng mga estudyante na sumali sa strike? Kung babasahin ang opisyal na pahayag ng Palasyo (http://www.gov.ph/2010/10/19/statement-of-president-aquino-in-response-to-queries-about-the-budget-of-state-universities-and-colleges/), masasabing hindi naman talaga binawasan ang budget ng edukasyon. Sa katunayan, mula 240 B ay naging 270 B pa nga ito ngayon. Ang pinagkaiba nga lang ay pinagtuunan ng pansin ng palasyo ang Basic Education (Elementarya at High School) sa halip na sa Tertiary. Marahil ito ay makatwiran lamang sapagkat hindi naman tayo makakatungtong ng kolehiyo kung hindi tayo dumaan sa elementarya at high school. Kung may uunahin nga naman, dapat unahin ang elementarya at high school. Sabi nga ni PNoy, "Ang basic education ay dapat libre para sa lahat, kaya malaki ang budget na idinagdag natin sa DepEd. Sa pamamagitan nito, masisigurong mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-aral."
Isa pa ay hindi naman talaga bumaba ang budget ng mga SUCs. Sa katotohanan ay tumaas nga ito at naging 23.4 B mula sa 21 B. Hindi lang talaga naaprubahan ang proposed budget ng mga SUCs pero kahit papaano ay dinagdagan pa rin naman ito ng pamahalaan.
Kung mayroon mang binawasan ng budget ng medyo malaki, ito ay ang Unibersidad ng Pilipinas at ito ay nararapat lamang dahil sa maraming dahilan. Una, higit sa 6 B ang nakalaan na pondo sa UP nitong nakaraang taon at ito ay napakalaking bahagi ng kabuuang budget ng mga SUCs kaya naman nararapat lamang na bawasan nito. Kung paghahambingin natin, ang PUP na may 60000+ na estudyante ay may 600M na budget habang ang UP naman na may 10000+ lamang na estudyante ay may budget na 5B. Ibig sabihin halos 500,000 piso ang nilalaan ng pamahalaan sa kada mag-aaral sa UP. Hindi pa ba ito sapat?
Ikalawa, bukod sa budget ay marami pang pinagkukunan ng pera ang UP. Sumisingil ito ng higit sa 20,000 pesos sa bawat mag-aaral na nasa Bracket B. Bukod pa ito sa mayayaman na nagbabayad nang higit sa 30,000 pesos kada semestre na nasa Bracket A. Kumikita rin ang UP sa iba't ibang (Income Generating Projects (IGP) tulad ng Ayala TechnoHub at iba pang establishimyento sa Diliman. Bukod pa rito ay tumatanggap din ito ng malaking halaga mula sa mga alumni nito. Ang pinagsama-samang halaga nito kung iisipin ay dapat sapat na upang mapatakbo ang UP ng wasto. Mukhang hindi nga budget ang problema sa UP kundi kung saan talaga napupunta ang budget.
Ikatlo, hindi ata maktwiran na malaking budget ang binibigay sa isang unibersidad tulad ng UP kung saan napakarami ang mga mayayaman na may sariling condo at mga kotse.kung papipiliin nga ay mas mainam pa na mapunta sa mga provincial state universities pati na sa PUP ang mas mataas na budget kaysa sa UP
Ikaapat, hindi rin makatwiran ang hinihinging 18B na budget na hinihingi ng Pamunuan ng UP dahil sobrang laki nito para sa isang pamantasan.
Tulad ng larawan sa taas, mukhang hindi na nga makakita sa Oblation. Hindi na niya alam kung paano maging Iskolar para sa Bayan. Mukhang nagiging ganid at makasarili na siya.
Hindi rin makatwiran ang argumento ng mga nag-strike na imbes na maglaan ng bilyong-bilyong piso para sa conditional cash transfer ay ibigay na lang ito sa mga pamantasan tulad ng UP. Mahalaga ang conditional cash transfer lalo na sa mga mahihirap sapagkat ito ay kailangan nila upang maitawid ang pang-araw araw hanggang sa makatapos na ang mga anak nila at makaginhawa sa buhay nila.
Sa mga nagsasabi naman na dapat turuan ang mga mahihirap na mangisda at hindi na lang basta-basta bigyan ng isda, ito lang ang masasabi ko. Paano mo matuturuan ang isang tao na mangisda kung gutom siya ngayon? Matututo kaya siya? Dapat mapunan muna ang kanyang gutom pansamantala upang matutong mangisda.Hindi dapat alisan ng panawid gutom ang mga mahihirap.
Kung mayroon mang dapat tapyasan ng pondo, ito ay ang naglalakihang pork barrel ng mga ganid na mambabatas na ang ilang ay nagtapos din naman sa UP.
Karapat dapat lamang ang mas mataas na budget sa mga provincial state universities at iba pang pamantasan kung saan maraming mahihirap ang nag-aaral pero hindi para sa Up.
Karapat dapat lamang ang mas mataas na budget sa mga provincial state universities at iba pang pamantasan kung saan maraming mahihirap ang nag-aaral pero hindi para sa Up.
Para sa mga kapwa kong Iskolar ng Bayan, sa mga pagkakataong tulad nito, dapat matuto ang tayo na pagkasyahin ang ating pondo. Dapat ay matiyak natin na napupunta ang pondo sa dapat nitong kapuntahan. Mukhang maling pangulo ang pinagbabalingan natin ng galit. Mukhang ang dapat nating harapin ay ang pangulo na nasa Quezon Hall.
Kayo mga kapwa mapanuring Pinoy, ano ang opinyon mo sa isyung ito?
18 comments:
hindi kaya kulang ka pa sa pagsusuri, kapatid? :)alam mo ba halimbawa, na kasali pa sa pondo ng UP Manila ang PGH?
maraming salamt chris.
ang pagbabawas sa pondo ng pgh ay isa sa malaking kamalian ng pamahalaan ngayon. nararapat lang itong tumanggap ng mas mataas na budget dahil sa araw araw ay maraming mga mahihirap ang nagpapagamot dito.
ngunit kung ating susuriin, ang budget ng PGH ay ginawa lamang na sidelines mga sumali sa strike. Kung ito sana ang pangunahing pinaglalaban ay nakisali rin sana ako rito. ang tunay talagang pinaglalaban dito ay ang hindi "raw" sapat na budget.
hindi tayo tutol sa pagbibigay ng mas mataas na budget sa UP dahil napakahalaga naman talaga ng edukasyon. Ang punto rito ay kung may bibiyayaan ng mas mataas na budget, unahin dapat ang mga panlalawigang pamantasan at iba pang pamantasan tulad ng PUP kung saan halos lahat ng mga nag-aaral ay mahihirap, di tulad sa UP. Dapat ay matutong magparaya ang UP sa mga mas nakababatang kapatid nito.
bukod sa pag-atungal at pag-iyak sa mga lansangan, may magagawa pa ang UP. Dapat ay matiyak natin na ang mga pondo ay napupunta sa dapat nitong kapuntahan. Kung hindi kasali PGH, 4+ B pa rin ang pondo ng pamantasan at napakalaki pa rin nito. Maikli ang kumot natin ngayon. Dapat ay matuto muna tayong mamaluktot.
ang dapat gawin ng UP ay isaayos ang sistema ng STFAP. Taasan pa ang tuition ng mga mayayaman at babaan naman ang tuition ng mga mahihirap. Dapat ay gawing mas madali ang sistema ng STFAP para sa mga mahihirap.
sa mga mayayaman namang iskolar na nakikisigaw rin sa lansangan. tanungin muna ninyo sarili ninyo. Ano na ang naitulong mo sa UP? Mas makakatulong sana kayo kung kayo ay magsasama-sama at mag-aambag para sa ikagaganda ng pamantasan.
huwag nating pagbalingan ang CCT at ang militar dahil kailangan nila ng mga pondong iyon. ang pagbalingan natin ay ang mga pork barrel ng mga ganid na mambabatas pati na ang mga perang nawawala dahil sa katiwalian. dapat ay busisiin din natin kung saan ba talaga napupunta ang pera na nakukuha ng pamantasan. baka naman kasi napupunta lang to sa ilang mga kagalang-galang na titulado.
maging bahagi sana tayo ng solusyon
PUTANG-INANG SHIT!
puro reklamo kaya walang asenso! magtrabaho na lng kau sa pribadong kumpanya tulad ko! sampalin ko pa kau ng pera mga syet kau mga DTNL!
Kailangan natin mataas ang budget sa tertiary level dahil para din pondohan ang R&D ng mga gaya ng UP-D. Ang Admin kasi di iniisip ang magiging epekto nito sa pangmatagalan. Puro SHORT TERM plan ang ginagawa ng Admin. Samantalang mga kapitbahay natin sa Asya nag-iinvest hindi lang sa human resources nila pati na rin sa R&D dahil ito ang mapagpapayaman sa kanina.
Hindi siguro alam ng may-ari ng Blog na ito ang malaking kaibahan ng Primary&Secondary education sa Tertiary Education. Kailangan ng "funding" para sa pagtuklas ng bagong kaalaman na sa undergrad at grad school sa college lang meron na siya naman gagamitin para mapaunlad ang mga industriya at Siyensya dito sa bansa. Hindi lang para sa pagpapaaral mapupunta ang malaking budget ng SUC's. Kung tutuusin kakarampot lang ang budget para sa tertiary level sa bansa kung ikukumpara sa mga umuunlad na kapitbahay natin na bansa kaya kulelat pa rin ang bansa natin.
siguro po ang solusyon ay re-alignment ng budget ng mismong mga SUC tulad ng UP. mas lakihan ang bahagdan na para sa research and development.
sa maY ari ng blog na ito... hindi dapat MAPANURING PINOY ang pangalan nito...
ANG MGA NILALAMAN NG ARGUMENTO MO AY HALATANG HINDI MAPANURI!!!!
Pusang ina.Iskolar ka ng bayan? Mapanuri nga ba? lol.
Tuwad!!!
Dapat title ng blog na ito ay "Mababaw na Noytard" mas bagay ito kaysa mapanuri
yang kita sa mga lupa ng UP na sinasabi mo ay maliit lang na porsyento kumpara sa tinanggal na budget like for example yang Ayala Technohub nasa 150M lang ang kita dyan.
I did my undergrad in UP and I'm one of the lesser affluent students who cannot afford a condo but at the same time will not qualify for STFAP (student assistantship) because I own an old Nokia mobile phone. Upon graduation, I was also hired as a full-time instructor by my own department. My salary is just over P10,000 before tax. Even after promotion, my salary never went beyond P15,000.
I believed that any country should have at least 1 premier university that will brings honor and distinction in the world arena. Now if the government will continue to slash down the budget of UP then surely our country can never be competitive and we will always be the laughing stock in the world.
ang hirap magproseso ng STFAP. bago maaprove e tapos na enrolment. sana mas maging friendly yung procedure. hindi rin siguro tama na magbabayad na ng 1000 pesos per unit yung kumikita ng 500K-1M a year. paano kung apat silang magkakapatid na puro college? edi kulang-kulang 200K na yun per year. tuition pa lang yun.ala pa yung dorm at baon
Well, what use do we have with billions of pesos for Tertiary Education budget if we have 6 generations of incoming college freshmen of sub-par competence, poor reading, analytical and computational skills.
Doesn't it make sense to take care of the young ones first? The sixteeners and up can do side jobs and search for scholarships/grants from private firms, but not a third grader.
Sa tingin ko, mas mabigat ang 4th grader na 'di marunong mag 264 X 509 kesa sa 2 klase ng P161 na walang laboratoryng magamit dahil sa kakulangan ng pondo.
O kahit sa 5 post-grad student na gumagawa ng saliksik tungkol sa energy generation.
ang unfair naman ngayon. basta wala kang itr, automatic na bracket A ka na sa diliman. di ba dapat bracket b lang?
anong sapat na ang budget? sa up manila roofdeck ang laboratory namin
bakit mo uunahin ang elementarya? eh pwede namang sabayan yung pag angat sa budget nito. kaya nga nggalit ang students and other SUC staff ay dahil sa improper allocation ng budget sa bansa.
Post a Comment