Friday, April 1, 2011

Pakikiramay ng Mapanuring Pinoy sa Tatlong Pinoy na Binitay sa Tsina

Ang Tatlong Pinoy na Binitay
Nakikiramay ang Mapanuring Pinoy sa mga pamilya nina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain. Sila ang tatlong Pinoy na binitay sa Tsina nitong nakaraang Miyerkules, Marso 30, 2011 sa salang drug trafficking matapos silang mahulihan ng kilo-kilonggamot. Sila ay binitay sa pamamagitan ng lethal injection. Kung matatandaan, unang itinakda na ika-22 ng Pebrero dapat ang petsa ng pagbitay sa tatlo subalit ipinagpaliban ito matapos tumungo si Vice Pres. Binay sa Tsina.

Matapos ang pagbitay sa tatlong Pinoy ay naging mainit ang diskusyon kung sino ba ang may kasalanan sa pagkakabitay ng tatlong Pinoy. May mga nagsasabing ang pamahalaan ang nagpabaya. May mga nagsasabi ang pamahalaan ng Tsina ang may kasalanan sapagkat dapat ay hindi nila itinuloy ang pagbitay. Sa kabilang banda ay may mga pumupuna ring ang mismong mga binitay ang may kasalanan. Sino nga ba ang may kasalanan at may kapabayaan na nagdulot ng pagkakabitay sa tatlong Pinoy?
 
Hindi natin maaaring ibunton lahat ng sisi sa pambansang pamahalaan. Ito ay dahil ginawa naman nila ang kanilang makakakaya para mapababa ang sentensiya, kundi man mapawalang—sala, ang tatlong Pinoy. Kabi-kabila ang komunikasyon ng MalacaƱang pati na ng ni Vice Pres. Binay sa pamahalaan ng Tsina. Nagbunga naman ito at naiusod nga ng higit sa isang buwan ang pagbitay sa tatlo, isang bagay na ngayon pa lang ginawa ng mataas na korte ng Tsina. Sinusuportahan din sila ng embahada bagama’t hindi maikakaila na medyo naging mabagal ang pagtugon ng pamahalaan.

            Hindi rin dapat tayo magalit sa Tsina sapagkat ipinapatupad lamang nila ang kanilang batas. Hindi kasi maikakaila na malaking salot talaga ang mga ipinagbabawal na gamot sa lipunan kaya di katakatakang napakahigpit ng pamahalaan ng Tsina rito. Malamang ay naninibago lang  tayo sa Tsina sapagkat doon ay talagang ipinapatupad ng mabilis ang batas. Ito ay taliwas sa kaso ng Pilipinas kung saan kadalasan ay mabagal ang hustisya at nababayaran ang mga tagapagpatupad ng batas. Kung tutuusin nga, dapat ay hangaan at gawin pa natin ang pamahalaan ng Tsina pagdating sa pagpapatupad ng batas. Dapat din nating igalang ang batas sa Tsina sa parehong paraan na dapat igalang ng mga dayuhan ang batas sa ating bansa.
Kung sasabihin naman nating bakit hindi bitayin ang mga drug lord na Tsino sa Pilipinas, hindi rin ito puwedeng mangyari. Wala naman kasing bitay sa ating bansa, di tulad sa Tsina, at siguro naman ay hindi na ito problema ng pamahalaan ng Tsina. Hindi na rin siguro problema ng pamahalaan ng Tsina kung hindi maipatupad ng wasto ang mga batas, kung nababayaran ang tagapagpatupad ng batas at kung mabagal makamit ang hustisya sa Pilipinas.

Kung mayroon mang dapat sisihin, marahil ito ay ang mga immigration officials sa NAIA na nagpalusot ng kilo-kilong ipinagbabawal na gamot sa paliparan. Hindi naman kasi makakarating sa Tsina ang tatlong Pinoy na ito kung sa paliparan pa lang sa Pilipinas ay hinarang na sila ng mga awtoridad. Kataka-takang nakalusot ang kilo-kilong ipinagbabawal na gamot na ito gayong mahigpit naman ang pagsisiyasat na ginagawa ng mga awtoridad. Kung dito pa lang sana ay nahuli na sila, edi sana ay buhay pa sila ngayon bagama’t malamang ay nasa likuran din sila ng rehas.

May kasalanan din ang tatlong Pinoy na nagdulot ng pagbitay sa kanila. Dapat kasi ay naging mas maingat sila pagdating sa mga bagahe nilang dinadala. Dapat ay tiniyak nila kung ano-ano ang kanilang mga dala at kung may mga ipinagbabawal ba sa mga ito. Hindi rin dapat sila basta-basta tumatanggap ng mga bagaheng ipinadala ng ibang tao nang hindi nila inaalam kung ano ang laman nito.

Mahirap ding isipin na sa dami (at sa bigat) ng kanilang dalang ipinagbabawal na gamot ay walang alam ang tatlong Pinoy dito. Maaari tuloy nating isipin na alam nilang dala nila ang mga pinagbabawal na gamot at ginawa nila ito kapalit ng malaking halaga galing sa sindikato ng droga. Magkagayunman, hindi pa rin dapat nagpasilaw sa pera ang tatlong Pinoy. Marami naman kasing maaaring mapagkakitaan ng salapi na hindi ilegal.

Kung sino man ang totoong may kasalanan, hindi na ito gaanong mahalaga. Nangyari na ang pagbitay at hindi na maibabalik ang buhay ng tatlong Pinoy kahit na magsisihan pa ang lahat. Dapat ay mas pagtuunan natin ng pansin kung ano-ano ba ang magagawa natin upang hindi na ito maulit (Habang isinusulat ang lathalaing ito ay napakarami pang Pinoy ang nasa deathrow ng Tsina dahil sa droga). Ito ay maisasakatuparan kung magiging mas maingat ang mga kapwa nating Pinoy na pupunta sa ibang bansa. Hindi rin dapat sila  magpasilaw sap era kung ang kapalit nito ay ang kanilang buhay. Nararapat ding imbestigahan ng mabuti kung paano nakalusot ang kilo-kilong ipinagbabawal na gamot sa NAIA. Mas mainam din kung magiging mas maagap ang pamahalaan sa pagtulongh lalo na sa mga kababayan nating nasa ibang bansa.

Muli nakikiramay ang Mapanuring Pinoy sa mga pamilya nina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain. Umaasa na lang kami na ito ay hindi na madagdagagan pa ang mga Pinoy na mabibitay sa ibang bansa dahil sa droga.

            Ikaw, kapwa Mapanuring Pinoy, ano ang masasabi mo rito? Sino sa palagay mo ang nagpabaya? Ano-ano ang  dapat gawin upang hindi na ito maulit? Payag ka ba o tutol sa pag-gagawad ng parusang kamatayan? Halina at sumali na sa talakayan at ating botohan.

9 comments:

Anonymous said...

welcome back Mapanuring Pinoy. dapat lang na bitayin ang mga yan. Walang pinagkaiba yan sa ibang mga drug pusher dito bukod sa kilo-kilo ang dala nila at hindi gramo-gramo

Mang Pedo Bear

Anonymous said...

gago ang mga pulitikong nagsabing dapat maging santo yang 3 yan

Anonymous said...

nakakaawa talaga ang mga pinoy na napipilitang kumapit sa patalim dahil sa kahirapan. condolence. sana di na kayo madagdagan

Anonymous said...

. . . hindi ba tayo nakakaramdam ng konting hiya na nagmumukhang "amateur" ang justice system ng pilipinas compared sa china?

Mapanuring Pinoy said...

Maraming salamat sa mga nagbigay ng kanilang mga opinyon. kung ihahalintulad talaga ang justice system natin sa China, mukha talagang amateur yung sa atin. Bukod sa napakatagal na proseso at apelahan hanggang sa makarating sa supreme court,nabibili rin ang hustisya sa atin.

Anonymous said...

biktima lang yan ng kahirapan. puta kahit ano gagawin ng isang Pinoy basta may maipakain lang sa pamilya

Anonymous said...

Communist Party of the Philippines

CPP sympathizes with families of Filipino workers to be executed in China
March 30, 2011

The Communist Party of the Philippines (CPP) today expressed sympathy with the families and friends of three Filipino migrant workers who are set to be executed today in China for drug trafficking.

"The planned execution today of Ramon Credo, Elizabeth Batain and Sally Ordinario-Villanueva underscores the plight of millions of Filipino migrant workers who daily suffer grave hardships in different parts of the globe," said the CPP.

The three Filipinos were convicted by Chinese courts for smuggling heroin into China at various times in 2008. They were originally set to be executed February 20 but were granted a brief stay of execution after an appeal by the Philippine government.

"The three Filipinos are victims of a system that has pushed millions to desperate straits," said the CPP. "They suffer extremely exploitative and oppressive conditions in foreign lands because of the lack of domestic employment opportunities."

"They then become easy prey to international and domestic criminal syndicates who are in cahoots with immigration officials who exploit their desperation."

"The Filipino people are dismayed at the failure of the Aquino regime to provide prompt and competent legal and consular assistance and undertake the necessary diplomatic measures to save the lives of Ramon, Elizabeth and Sally," added the CPP. "With Aquino's blunders in his diplomatic relations with China since the Manila hostage-taking incident in August 2010, he is not in any position to assert the interests of the migrant Filipinos."

tanginang cpp squatter na to. gawa kayo ng sarili ninyong site

Post a Comment