![]() |
Mga pinapahirapang Pilipino |
Ika-9 ng Abril 2011, maraming mag-aaral ang nagdodota, gumagala o kaya naman ay nagpapahinga dahil bakasyon na. Sa kabilang dako, ang mga nanay at tatay ay nasa tahanan sapagkat walang pasok habang ang iba naman ay sinamantala ang double pay ngayong araw. Ika-9 ng Abril 2011, isang ordinaryong mainit na sabado. 69 na taon ang nakararaan, ang araw na ito ay malayo sa ordinaryo.
History 101. Noong 1942, sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naharap ang mga sundalong Pinoy at Amerikano na bumubuo sa United States Army Forces in the Far East (USAFFE) sa matinding sagupaan laban sa mga Hapon. Di-hamak na mas makabago at mas marami ang armas ng mga Hapon kaysa sa USAFFE. Mas marami rin ang suplay ng pagkain at iba pang kagamitan ng mga Hapon.
![]() |
Gen. Douglas McArthur |
Noong ika-9 na Abril, 1942, matapos ang mahabang labanan ay isinuko ni Major General Edward King ang Bataan sa kamay ng mga Hapon kahit na ito ay labag sa kagustuhan nina Gen. Douglas McArthur at ni Gen. Jonathan Wainwright. Ang pagsuko ni Edward King sa libo-libong sundalo ng USAFFE sa Bataan ang naghudyat ng pagbagsak ng Bataan. 27 araw matapos bumagsak ang Bataan ay bumagsak naman ang isla ng Corregidor. Matapos nito ay naganap ang malagim na Death March kung saan libo-libong sundalong USAFFE ang naglakad putungo sa kanilang kamatayan.
![]() |
Ang Death March |
Tinawag na Araw ng Kagitingan (Day of Valour) ang ika-9 ng Abril, 1942 sapagkat dito naganap ang huling organisadong paglaban ng mga sundalong USAFFE sa Bataan. Bagama’t napilitang sumuko sa mga Hapon ay di maikakailang naipamalas ng mga USAFFE ang kanilang kagitingan. Bilang pag-alala sa kagitingan ng mga nakipaglaban sa mga Hapon ay itinayo ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Bataan.
Napakahalaga sa kasaysayan ang pagbagsak ng Bataan sapagkat dahil sa ginawang pakikipaglaban ng USAFFE ay naantala ang planong pananakop ng mga Hapon sa iba pang bansa sa Asya at Pasipiko. Kung bumagsak kaagad ang Bataan ay malamang na mas napabilis at mas napalawak ang pananakop ng mga Hapon. Nagbigay din ito ng sapat na panahon sa Allies para makapaghanda sa mga sumunod na labanan tulad ng Battle of the Coral Sea and the Battle of Midway. Higit sa lahat, pinatunayan ng mga Pinoy na hindi sila basta-basta sumusuko sa kalaban. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ang kahuli-hulihang bansa sa ating rehiyon na sumuko sa bansang Hapon.
![]() |
Dambana ng Kagitingan, Mt. Samat, Bataan |
Hindi dapat nating hayaang makalimutan ang Araw ng Kagitingan. Kaya naman bukod sa pagpapaghinga o pamamasyal ngayong araw, dapat ay gamitin natin ang araw na ito upang sariwain at gunitain ang kagitingan ng mga kababayan natin. Isang paraan lamang ang pagbabasa ng lathalain na ito upang sariwain at gunitain ang naganap sa Bataan 69 na taon na ang nakararaan.
24 comments:
basta ako matutulong ngayon.
tangina karma sa mga Hapon nangyari ngayon sa Japan
tonton kung hindi ka makamove-on sa galit mo sa Hapon, punta ka sa Japan. Maghamon ka ng away.
mod, bakit hindi pa tinatanggal yung spam na yun? wala namang sinasabing matino.
kung ako tatanungin diyan s Araw ng Kagitingan, dapat ay ibahin ang pangalan niyan. Gawin na lang Araw ng Pagbagsak ng Bataan dahil hindi naman talaga pinakita ng mga USAFFE lalo na ni Edward King ang kagitingan. Sumuko agad sila hindi tulad ng Corregidor na ginamit muna ang lahat ng bala nilang natitira bago sumuko.
-Mark
Bilang may-akda ng blog na ito, mayroon akong karapatan na burahin ang mga komento na sa aking tingin ay pawang spam lamang at hindi nakakaambag sa talakayan. Maraming Salamat sa pagbisita sa aking blog.
Maraming salamat Mark at sa iba pang nagkomento sa post na ito. May punto si Mark sa sinabi niya. Isinuko nga ang Bataan kahit na may mga bala pa silang natitira di tulad ng Corregidor. Sa katunayan, maraming mga sundalo ang nadismaya noong nalaman nilang isinuko na ni King ang Bataan. Pero sa aking palagay ay sapat na ang kanilang ginawang pakikipaglaban upang maipakita ang kanilang kagitingan
huwag kalimutan pero kayo ba mga mods mag bigay nga kayo ng mga bayaning pinoy nung panahon ng hapon, wala si rizal lang naman ang kilala nyo
ang ilan sa mga kilala ay sina Jose Laurel, Jesus Villamor, Jose Abad Santos, Luis Taruc. Kasama rin diyan yung mga bayani sa labanan ng Bataan atbp. Pero hindi maikakaila na di hamak na mas kilala yung mga bayani noong panahon ng Español kaysa noong WWII
-renz
presidente lang tsaka yung mga alipores niya at media nagcelebrate niyan kahapon.
@mapanuri
ayan din pinagtataka ko bakit hindi tinuturo sa school o parang bale wala lang ang mga bayani nung panahon ng amerikano, hapon, world war 2, etc, puro sila rizal at bonifacio lang ang kilala ng mga tao, sa totoo lang sila sila lang din ang kilala kong mga bayani, dapat mag tayo ng museum sa bawat era para hindi natin makalimutan ang history ng pinas
mas lalong hindi kilala yung mga kababayan nating namuno sa mga pulo natin bago dumating ang mga Español
Mga gago.. si Marcos ang tunay na bayani. di pa kayo pinapanganak,nandito na si Marcos sa mundo!
Dapat gawan ng dambana si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. O kaya,kung ayaw niyo talaga, doon na lang sa gitna ng UP Sunken Garden. Tapos bilang paggalang, huwag na kayo magdadaos ng Fair dun kahit kelan.
gago dapat isinama ka sa mga desaparecidos noong martial law. tingnan natin kung masabi mo pa yan
si Marcos ang unang tao sa mundo gago! nung ginawa ng Diyos ang tao, ang idea niya gawin si Marcos!
katunayan mababasa mo sa Bibliya si Marcos.
putanginang marcos troll
hindi ko alam kung bakit napaka underrated ni jose p laurel sa mga naging pangulo
hindi ko naramdaman ang araw ng kagitingan. nakalimutan na yata ang kahulugan. (ayan nagcontribute ako sa usapan ha, higit pa sa ibang nagkukomento dito)
www.tunaynalalake.blogspot.com
. . . no offense, pero mukhang mas magiging sagana ang pilipinas kung naging colony tayo ng japan-
^wala akong nakikitang halaga sa pag-iisip tungkol sa mga what if na tanong na katulad niyan zhurutang. ang mas mahalaga e mapag-usapan ang mga isyu ng ngayon at kung anong magagawa sa mga ito.
www.tunaynalalake.blogspot.com
zhurutang you're reflecting the sentiments of hopeless filipinos.
pero in fairness sa japan, ang dami nilang naitulong sa atin. halos lahat ata ng public school may JICA building
Ano pong gawain ng USAFFE? Thanks :)
Bakit po nais tayong sakupin ng mga hapones plssss. Replyyy pooooo
Thank you for this one
Post a Comment