Sa bisa ng ipinalabas na Executive Order No. 84 ni P-Noy, hindi na susundin ang Holiday Economics na ipinatupad noon ni PGMA. Nakasaad sa baba ang mga holiday para sa taong 2011
A. Regular Holidays
New Year’s Day – January 1 (Saturday)
Araw ng Kagitingan – April 9 (Saturday)
Maundy Thursday – April 21
Good Friday – April 22
Labor Day – May 1 (Sunday)
Independence Day – June 12 (Sunday)
National Heroes Day – August 29 (Last Monday of August)
Bonifacio Day – November 30 (Wednesday)
Christmas Day – December 25 (Sunday)
Rizal Day – December 30 (Friday)
B. Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day – August 21 (Sunday)
All Saints Day – November 1 (Tuesday)
Last Day of the Year – December 31 (Saturday)
C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary – February 25 (Friday)
Mula sa
Ang Holiday Economics ay isang patakaran dati ni PGMA kung saan inililipat ang special non-working holiday sa pinakamalapit no Lunes o Biyernes upang mapahaba ang weekend. Ginawa ito upang magkaroon daw ng pagkakataon ang mga Pinoy na makapagbakasyon, makapamasyal at makatulong sa industriya ng turismo sa bansa.
Noong una ay pabor ako sa aksyon na ito ni P-Noy. Ang katwiran ko kasi ay hindi tama na iusad ang mga non-working days upang magkaroon ng mas mahahaang weekend. Parang mali kasi na gawing prayoridad ang weekend kaysa sa mismong okasyon. Hindi ba parang nawawala ang katuturan ng mga holidays kapag ganito?
Pero nagbago ang opinyon ko matapos mabasa ang mga pananaw ng iba't ibang Pinoy sa isang forum. Hindi maikakaila na may magagandang dulot nga ang holiday economics sa industriya ng turismo sapagkat marami ang nakakapag-out of town dahil dito. Hindi nga rin naman nawawala ang katuturan ng mga holiday kahit na may pasok dahil marami namang paraan para gunitain ang mga ito.
Bagama't may magandang dulot sa turismo, mayroon din naman itong masamang dulot sa manufacturing industry.
Lumalabas na mayroong mga magaganda at masasamang epekto ang Holiday Economics. Ikaw mapanuring pinoy, ano mas matimbang sa iyo? Pabor ka ba sa pagsunod sa Holiday Economics o hindi at bakit?
9 comments:
wag na kasing pakialaman yang mga holiday na yan, tumatapat sa rest day ko eh.. shet!
okey lang na manatili ang Holiday economics dahil nakakatulong ito sa turismo. Ang dapat pagtugunan ng pansin sa manufacturing industry ay yung sobrang taas ng halaga ng kuryente.
Kung ililipat lamang ang araw (halimbawa: mula Martes papuntang Lunes) wala naman itong epekto sa manufacturing industry dahil wala naman nadagdag na holiday kundi nailipat lang.
Kung mula naman sa Linggo at inilipat sa Lunes, sa tingin ko mas gugustuhin pa ng manufacturer na magbayad ng 'double pay' kaysa matigil ang operasyon. Natural ayaw ito ng may ari ng pabrika, pero gusto ito ng mga manggagawa (double pay).
Ikaw ba 'Mapanuring Pinoy' kung may ari ka nang pabrika, anong mas gugustuhin mo?
1. Itigil ang operasyon at produksyon dahil holiday.
2. Bayaran na lang ng doble ang manggagawa (sa ilang piling araw ng taon).
Ang mga pabrika naman ay kumikita ng mahigit doble sa ipinapasuweldo sa mga manggagawa, dahil kung hindi - eh magsasara na lang sila.
sa bagay tama ka 4:47. mukhang di hamak nga na mas maraming magandang epekto ang holiday economics
. . . ang akin lang, nakakatamad pumasok kapag nanggaling ka na sa mahabang bakasyon.
bakit hindi nalang kunwari pumatak ng sabado ang new year, i-celebrate parin natin ang new year sa Jan1 tapos sa jan 3(kunwari lunes) eh holiday parin.
ang pagkakaalam ko ganyan ang patakaran sa canada.
kahit po sa Australia, ganyan din. :)
mas masarap pag marami holiday.. marami din double pay.. at marami din bakasyon..
mas maganda kung may mga holidays para ang lahat ng mga estudyante ay makapag rest!!!!!!!!!!!!!!!!
Post a Comment