Kamakailan ay nagwelga ang mga drayber ng kuliglig sa Lawton, Maynila. Dala ang kanilang mga kuliglig ay sama-sama silang nagprotesta laban sa kautusan na ipinalabas ng tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim. Hinarangan ng mga nagwelga ang kalsada kaya naman napilitan ang mga pulis na itaboy sila sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig. Gumanti naman ang mga nagwewelga at pinagbabato nila ang mga pulis. Bilang ganti ay gumamit na ang mga pulis ng tear gas saka nila pinaghuhuli ang ilang mga nagwelga. Sa pangyayaring ito ay parehong may nasaktan sa panig ng mga pulis at mga drayber ng kuliglig. Nagsisisihan ngayon ang magkabilang panig kung sino ba talaga ang nag-umpisa ng gulo.
Kung nais nating tumbukin kung sino ang talagang nag-umpisa ng gulo ay dapat tingnan din natin ang dahilan ng pagwewelga ng mga drayber. Nagwelga sila sapagkat iniutos ng pamahalaang lungsod ang pagbabawal ng mga kuliglig sa lansangan. Dahil dito, hindi rin natin siguro masisisi ang mga drayber ng kuliglig na nagwelga sa parehong paraan na hindi natin masisisi ang isang pusa na nagnanakaw ng pagkain kapag siya ay nagugutom. Ito ay kailangan nila upang patuloy na mabuhay. Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber na natatrabaho ng marangal sa pang-araw araw upang may mapakain ang kanilang pamilya. Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber na hindi nangongotong, di tulad ng mga namalo sa kanilang mga pulis. Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga maliliit na drayber na nagbagong buhay mula sa pagiging holdaper dati. Dapat ba ay matuwa sila sa ginawa ng pamahalaan?
Bagama't naaayon sa batas ang ginawa ni Mayor Lim, hindi naman ito naayon sa Batas ng Diyos na tumulong sa kapwa.
Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ipagbawal na ang mga kuliglig dahil sa iba't ibang dahilan. Una ay kaliwa't kanan na raw ang natatanggap nilang reklamo mula sa mga mamamayan tungkol sa mga bastos at balasubas na drayber ng kuliglig na nagka-counter flow sa mga lansangan. Ikalawa ay lumalabag daw sila sa clean air act ang motor na ginagamit sa kuliglig. Ito raw ang nagtulak sa pamahalaan na ipalabas ang kautusan. Hindi naman daw nila tinatanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber ng kuliglig. Tanggalin lang daw ang mator at ayos na ang lahat.
Kung iisipin, mali ang ginawa nila Mayor Lim. Una, kung kaliwa't kanan ang natatanggap nilang mga reklamo tungkol sa mga bastos na drayber ng kulilig na mahilig magcounter-flow, di ba mas mainam kung binigyan na lang ang mga drayber ng seminar tungkol sa road safety? Syempre karamihan sa mga drayber ng kuliglig ay hindi nakapag-aral kaya karamihan din sa kanila ay bastos sa lansangan. Hindi rin ba mas maganda kung binigyan na lang din sila ng lisensya at i-cover na rin sila ng LTFRB at LTO? Mas makakatulong din kung bukod sa pagbibigay ng road safety seminar ay bigyan din sila ng dress code at seminar sa personal hygiene. Ang kailangan lang naman ay maturuan sila at maipakita ang kahalagahan ng mga itinuturo sa kanila.
Hindi rin tama na gawin ng pamahalaan na dahilan ang paglabag ng mga kuliglig sa clean air act. Kung totoong mang ipinapatupad nila ang clean air act, bakit uunahin nila ang mga kuliglig? Bakit hindi nila unahin ang mga bus at dyip na nagmimistulang pusit tuwing nagbubuga ng maitim na usok. Bakit hindi nila unahin ang mga bangka na gumagamit ng parehong motor? At bakit hindi na lang nila tinulungan ang mga drayber ng kuliglig na gawing mas environment friendly ang mga kuliglig nila? Napakarami naman dyang imbensyong Pinoy at dayuhan na kapag ikinabit sa sasakyan ay nagiging malinis na ang usok na lumalabas sa tambutso. Ang mga ito na lang sana ang ginawa nila sa halip na ipinagbawal ang mga kuliglig sa mga kalsada.
Kalokohan din ang sinasabi nila na hindi nila tinatanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber. Ang gusto lang daw nila ay tanggalin lang daw ang mator at ayos na ang lahat. Aba, paano naman yung mga nasa kwarenta anyos pataas na hindi na kayang magpadyak? Paano yung ilang mga pilay na drayber na hindi na kayang mamisekleta? Hindi ba sila tinanggalan ng hanapbuhay? Bukod pa rito, mas magiging kaunti na rin ang tatangkilik sa mga padyak dahil sa makupad ito. Mas pagod din ang mga drayber. Hindi ba sila tinatanggalan ng hanapbuhay ng pamahalaan?
Bakit naman kaya atat na atat ang pamahalaan na ipagbawal ang mga kuliglig sa lansangan? Siguro kasi wala silang buwis na kinikita mula sa mga drayber ng kuliglig. Siguro kasi wala nang mga alagang holdaper ang mga pulis na pawang naging mararangal na drayber ng kulilig.
Tulad ng jeepney, ang kuliglig ay isang uri ng sasakyan na kakaiba at malamang ay sa atin lang makikita. Dito makikita ang pagiging malikhain ng mga Pinoy. Sa halagang 30,000 piso nga ay maari ka nang makabili ng kuliglig at makapaghanapbuhay. Ito ay naging bahagi na ng ating kultura.Hindi dapat ito ipagbawal sa lansangan. Dapat nga ay tulungan pa ng pamahalaan ang mga drayber upang maging mas maayos pa ang mga kuliglig.
Malayo pa ang mararating ng kuliglig. Maaari pa nga itong maging sasakyan sa hinaharap tulad ng konsepto ni ehnriko disegno sa makabagong kuliglig (http://www.youtube.com/watch?v=Fl7sOM4cYJk&feature=related). Ang pagbabawal dito ay di makakatulong. Sa halip na ipagbawal ito ay dapat maghanap ng paraan ang pamahalaan kung paano matutulungan ang mga drayber ng kuliglig.
20 comments:
Ang Tunay na lalake walang kung anu-anong shit!!
. . . tae talaga si totoy saltik, dumayo pa dito! ahehe-
pabor ako sa naging aksyon ng pamahalaang maynila na tuluyan nang tanggalin ang mga kuliglig sa manila.
bilang mapanuring pinoy, ilang beses na rin kasi akong nakapansin na may kuliglig sa paligid kung saan may snatching, dukutan, o holdapan na nangyayari.
obserbahan niyo maigi yan. lalo na sa may bandang morayta ave. kapag may nakaparadang kuliglig (o minsan, padyak)sa gilid ng kalsada tapos hindi nagpapasakay- may mga kawatan din sa paligid.
eto pa ang napansin ko- yung mga kuliglig dyan sa lrt2 station ng recto ave . - nakaparada lahat sa pedestrian. minsan dun pa sa daanan ng tao, humaharurot.
tanggalin na yan. pampasikip lang sila sa kalsada.
yung mga maaapektuhang driver- bigyan na lang ng alternatives ni ginoong lim.
wala akong gaanong nakikitang metro aide sa manila. punan ang pangangailangan. gawin na lang silang tagalinis ng avenida at recto ave.
one sided tong blog na to tae! BULOK! ang daming kung anu-anong shit. DTNL! tinira pa ang mga nangongotong na mga pulis eh wla din pinagkaiba mga kuliglig dyn sa mga yan! bukod sa nagbubuga ng polusyon ang mga kuliglig kuma-counterflow din sila sa trapiko dahilan ng matinding trapiko sa kamaynilaan syet!
bago po tayo magsulat ng opinyon ay mas mainam po sana kung babasahin po natin ang buong artikulo
Paurong ang kulilig at mga ginagamit na motor ay hindi angkop para sa transportasyon panlupa. Puro mga walang disiplina at mga bastos pa mga driver nyan. Makikita mo sila sa mga lansangan gaya ng legarda, Recto, Morayta. etc na pakalat kalat at dura ng dura sa kalye dagdag mo pa ng pagiging miyembro ng iba't ibang kawatan. Ilang beses na kaming nabiktima ng mga yan lalo na muntik na masagasaan na imbes na sa tamang linya dumaan puro mahihilig pang magcounter flow..
Nakakaawa man sila dahil mawawalan sila ng trabaho pero kailangan natin ipatupad ang batas at disiplina para sa mas nakakarami.
@4:26
hindi ba mas maganda kung turuan na lamang sila.bigyan ng seminar. syempre karamihan sa kanila hindi nakapag-aral kaya kulang sila sa modo.
Kahit naman bigyan ng seminar yan mahirap ng baguhin ang mga yan nakalakihan na nila ang mga ganyang ugali. Lalo na karamihan dyan mga ayaw mag-aral kahit na may pagkakataon naman makapag-aral. Try nyo munang makisalamuha mga yan tignan lang kung matagalan nyo mga pag-asta at kawalang disiplina ng mga yan before kayo magsabi ng kung anong mga dapat gawin sa kanina. :)
tanggalin din ung mga padyak dyan sa may vito cruz mga balasubas din mag si asta eh.. hindi mo maituturo ang magandang asal sa isang taong matanda na eh.. May kasabihan nga na "you can not teach an old dog a new trick." kaya sasakit ang ulo ni mayor kung pano bibigyan ng trabaho yung maapektuhan nyan.. Hirap kasi sa iba dyan pag binigyan mo ng trabaho sila pa itong mga maarte.
parang sila yung transportation version ng mga illegal vendors.. Basta nasa tamang lugar at malinis na trabaho dun ako. ang punto ko. bigyan sila ng kanikanilang ruta. seminar. pakuhain din sila ng lisensya. kawawa naman yung mga yan kung tatanggalan ng trabaho. sige alisin nyo yang mga yan pero bigyan nyo sila ng maayos na trabaho. mas OK na ako na maging kuliglig drivers sila kaysa maging snatcher/holdapers.
Kung walang demand walang mag mamaneho ng kuliglig.
tama si conrad!
kung tanggalan ba ng motor ang mga kuliglig para maging pedicab nalang ay mawawala na ang counter flow na kinaiinisan niyo at mawawala na ang mga bastos na ugali? at kung tatanggalan naman sila ng hanap buhay, gaganda ba ang kalagayan ng pilipinas sa kabuuan? mag-isip naman kayo muna bago kayo maglagay ng kung anu-ano. masmaganda nang nagtatrabaho sila ng marangal kesa nagnanakaw o nanghoholdap. sa mga perwisyo naman na dulot nila gaya ng counterflow at paggingging bastos (hindi naman lahat bastos) maayos yan ng masmaigting na pagbabantay sa sistema ng trapiko at pagbibigay ng mga seminaryo. isa pa, anong "you can't teach old dogs new tricks"? base ba yan sa experience mo? wala na siguro pumapasok na bagong kaalaman jan sa ulo mo na bagong impormasyon nung nakatapos ka ng pag-aaral kaya ganyan ka magsalita?
at oo, madami na akong nakasalamuha sa mga sinasabi mong trabahador na yan kaya alam ko ang sinasabi ko. :D
Kung perwisyo ang mga kuliglig pano pa kaya yung mga putanginang bus na yan na kala mo sila hari ng kalsada.. sobrng bibilis mag patakbo na kala mo bike lang minamaneho nila. Teka. kuliglig ba yung nabalita sa TV na sinagasaan yung mag ina sa mismong "PEDESTRIAN LANE"??? Bus yun diba??? yung Putanginang Bus na yan...
pucha naalala ko yun. Jell Transport yun. sasakay dapat yung mag-ina sa bus ng Jell. E yung gagong professional na driver ng bus sinagasaan yung mag-ina. Tapos hindi nasuspinde ang buong Jell kasi may lima silang prangkisa.putang ina
1. ang pagtanggal ng motor ng kuliglig ay para sa kalikasan...hindi para maiwasan ang counterflow
2. ang gustong mangyari ni Mayor Lim ay mawala sa main road ang mga kuliglig, una dahil sa traffic, pangalawa dahil BAWAL naman talaga sila dun. Bawal ang tricycle, pedicab at kuliglig. Sa mga streets lang sila dapat na hindi daana ng mga malalaking sasakyan para iwas disgrasya. Nasa batas yan e, BAWAL sila sa main road.
Kaso wala talaga silang pakialam, kaya yun, counterflow, singit, tawid kahit hindi pa Go..etc, etc.
3. Kng papayagan ang kuliglig sa main road ng Maynila, e di pwede na din sa EDSA, NLEX, SLEX?
4. Naranasan kong matraffic ng 1 hr from P. Faura to P. Gil dahil sa mga kuliglig na walang pakialam sa traffic light. Maulan kasi kaya sinasamantala nila yung mga taong ayaw mabasa at maglakad sa baha. Kaya ang nangyari, walang maka-andar na sasakyan patawid ng P. Gil dahil inokupa nila ang kalye.
Bastos pa at sasadyaing sagiin ka at harangan ang daanan mo para lang mapilitan kang sumakay. Wala din silang lisensya kaya pag nadisgrasya, sorry na lang ang masasaktan.
5. Sa pagkakakaintindi ko, hindi tinatangalan ng trbaho ang mga kiliglig, pinasusunod lang sila sa batas. In turn, mawawala ang mga kuiglig sa main roads, mas magiging safe para sa mga tao, at mababawasan ang pollution dulot ng makina nila.
^ sa utos po ni Mayor Lim, bawal na ang kuliglig sa lahat ng kalsada.
dahil hindi na sila magiging kuliglig kundi sidecar/ pedicab na lang.
Para sa may akda
Dito sa mga pangungusap na ito:
"Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber na natatrabaho ng marangal sa pang-araw araw upang may mapakain ang kanilang pamilya. Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber na hindi nangongotong, di tulad ng mga namalo sa kanilang mga pulis. Tinanggalan ng hanapbuhay ang mga maliliit na drayber na nagbagong buhay mula sa pagiging holdaper dati. Dapat ba ay matuwa sila sa ginawa ng pamahalaan?"
Mula Recto papuntang Divisoria, minsan napasakay ako sa tribike pa noon mga taong 2007 siguro, kokonti pa may makina noon. Ang sabi ng drayber bente lang, konti lang naman diperensya sa jeep kaya sumakay na rin ako. Ang problema pagbaba ko sinisingilan ako ng 70 pesos "sebente pesos", wala akong nagawa kundi magbayad kahit na nagtalo kami, natatakot din kasi ako marami sila, sigurado masasaktan lang ako kung lalaban ako.
Nito naman nakaraang Disyembre, napasakay akong muli sa tribike na may makina "kuliglig". Kahit na maraming batikos na sa kanila nung mga panahon na yun, napasakay pa rin ako at ang nanay ko, dahil meron din akong mabigat na dala, "bente" lang kasi ulet. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, ikalawang beses kong sumakay dito, pagbaba ko sinisingilan akong ng 120 pesos "sento bente". Napamura na ako at gusto ko ng suntukin yung drayber. Sa init ng pagtatalo namin, sabi 70 pesos "sebente" lang daw. Di pa rin ako pumayag at mainit kaming nagtalo. Sa huli ay nagbayad din ako ng 50 pesos, bente isang tao saka yung dala kong bag.
Walang hiya talaga naloko nanaman ako, nasabi ko na lang hinding hindi na talaga ako sasakay dito.
Ito ba ang sinasabi ng may akda na marangal na trabaho ang manloko, ang bente nagiging "sento bente" at "sebente". Marami na rin akong narinig na ganitong karanasan sa iba pang mga naging biktima nila.
Tama nga naman sabi ng isang drayber sa isang interview sa TV, isang byahe lang makakakain na ang pamilya nila na hindi na kelangang magpakapagod maghapon.
Wala talagang disiplina itong mga driver na ito ng kuliglig, dapat talaga tanggalin ng lang ito, hindi naman talaga dati nag eexist ito.
Dapat bigyan na lang sila ng ibang mapapagkakitaan na hindi sila pwedeng manloko, yun talagang marangal na trabaho.
Para sa may akda, hindi po lahat ng imbensyon at teknolohiya siguradong sa ikabubuti ang dulot.
Kung sinasabi po natin na dating mga holdaper at kriminal itang mga driver ng kuliglig ngayon, sa malamang holdaper pa rin yan ibig sabihin totoo yung mga naunang comment na sangkot sila sa mga pandurukot at holdapan sa mga sakay sa kuliglig.
Mayor Lim, sana magkaroon po ang pamahalaan ng Maynila ng dedicated project para sa kanila, hanap-buhay at pagtuturo ng tamang disiplina para mamuhay at kumita ng marangal.
- Kenneth
ang dami pa ring kuliglig ngayon ha. nasaan na yung mga sinasabi ni mayor na huhulihin sila? dami sa divisoria at recto. nagkalat.
magtataas na raw ng pamasahe ang kuliglig. magpopost na lang daw sila ng bagong fare matrix
kalokohan lang ni lim yung utos niya laban sa kuliglig. ang dami dami pa rin nila.
ganun talaga tingin nila sa mga mahirap lang. kya marami nag rerebeldeš
Post a Comment