Friday, December 31, 2010

Bagong Taon, Bagong Pamasahe sa LRT

Kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ay ang pagsalubong ng mga mananakay ng tren sa Metro Manila sa napipintong pagtataas ng pamasahe sa LRT. 

Kamakailan lang ay lumabas ang balita na balak nang taasan ang pamasahe sa LRT upang mabawasan ang gingastos ng pamahalaan sa subsidy sa LRT. Ayon sa DOTC, gagawin nang 30 pesos mula 12 pesos ang minimum fare sa LRT. (http://www.abs-cbnnews.com/video/business/12/27/10/lrt-fare-hike-looms-early-2011)

Sa aking palagay, nararapat lang na itaas na ang pamasahe sa LRT dahil sa ilang kadahilanan.


Una, hindi ito patas para sa mga drayber ng mga jip at bus. Malaki kasi ang kawalan nila sa kasalukuyang kaayusan. Isipin natin, ang train system sa Metro Manila ay tinutustusan ng gobyerno. Mas mabilis at ligtas din ito. Sino pa nga naman ang sasakay sa mga bus at jip na mas mabagal at mas mahal (lalo na pagdating sa mga malalayong distansya). Di tulad ng tren, hindi sila tinutustusan o sinasubsidize ng pamahalaan. Lumalabas na kinukumpetensya pa ng mga tren ang mga bus at jip at may malaking bentahe ang tren dahil ito ay mas mabilis, mas ligtas at subsidized pa ng pamahalaan

Ikalawa, hindi ito patas sa mga taga lalawigan pati na sa iba pang lungsod tulad ng Davao at Baguio. Tandaan natin na ang ipinangsa-subsidize ngayon sa mga tren ay nanggagaling sa buwis na binabayaran ng lahat ng mga Pinoy. Hindi ito patas sa iba sapagkat tanging mga taga-Metro Manila lamang ang nakikinabang dito  kahit na ang ipinangtutustos dito ay galing sa buwis  ng mga Pinoy pati na yung hindi nakatira sa Metro Manila. Kung balak mang i-subsidize ng pamahalaan ang mga tren, dapat ay palawakin muna ang sistema ng tren upang mas maraming Pinoy ang makinabang dito at mas maging katanggap-tanggap ang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.



Napakalaki rin ng lugi ng pamahalaan sa pagsa-subsidize sa mga tren. Bagama’t hindi layunin ng isang pamahalaan na tumubo, mali rin naman ata ang gumasta ng todo para sa isang bagay na pawang mga taga-Metro Manila lamang ang nakikinabang.

Maiihalintulad natin ang kaso na ito sa mga illegal settlers na pinapaalis ng MMDA. Kung ang mga illegal settlers ay matagal nang nakikinabang sa lupa na hindi naman sa kanila, ang mga parokyano naman ng tren ay matagal nang nakikinabang sa subsidy ng pamahalaan. Kung nagreklamo ang mga illegal settlers dahil sa pagpapaalis sa kanila sa halip na magpasalamat dahil matagal na silang nakinabang, nagrereklamo rin ngayon ang mananakay ng tren. Bakit hindi na lang tayo matuwa na matagal na tayong nakinabang sa mababang pamasahe? Kung ikukumpara nga natin sa ibang bansa, napakababa ng 15 pesos na pamasahe sa tren. Sa palagay ko, oras na para bayaran natin ang nararapat na pamasahe.

Pero kung babawasan ang subsidy sa mga tren at tataasan ang pamasahe, dapat ay mas gumanda ang serbisyo sa mga ito. Sa ngayon kasi ay sobra-sobrang siksikan sa mga tren. Madalas din ay matagal ang pagdating ng mga tren kaya naiipon ang mga pasahero. Kulang din ang kagamitan ng maraming istasyon tulad na lamang ng mga X-Ray Machine. Hindi ba nakakinis kapag may dala kang  regalo na pilit na pabubuksan ng mga sikyo dahil alang X-Ray Machine. Hindi rin maikakaila na ang ilang train coaches lalo na yung sa LRT 1 ay ginagamit pa rin kahit halatang luma na ang mga ito. Masasabing may kakulangan din sa bilang ng mga sikyo. Ang mga bagay na ito ay dapat maaksyonan kung sakali mang itataas ang pamasahe.

Bukod pa rito, dapat matiyak na ang pondong matitipid ng pamahalaan ay may magandang kapupuntuhan at hindi lamang mapupunta sa pork barrel ng mga mambabatas (na karamihan ay ginagasta sa mga proyekto kung saan may komisyon si congressman), pangit na tagline ng DOT at iba-iba pang pinagkakagastusan na wala namang katuturan. Mahirap kasing tanggapin na magbabayad tayo ng mas mataas na pamasahe upang mabigyan ng mas malaking pork barrel si congressman.

Dapat din ay iwasan na ng pamahalaan ang pagpasok sa mga public-private partnership tulad ng pinasok ng pamahalaan sa pagpapagawa ng mga tren. Di hamak sana na mas mababa ang pamasahe kaysa sa ipinapanukalang 30 pesos kung pamahalaan ang gumastos ang nagtayo nito. Hindi na kasi isasama sa pamasahe ang tubo na inaasahan ng mga investor mula sa pera nilang pinagkaloob. Bagama’t nagagawang makapagpatayo ng mas maraming proyekto, mas mahal naman ang binabayaran ng mga Pinoy na gumagamit nito dahil pinapatungan ito ng mga investors Ganito rin ang dahilan kung bakit napakamahal din ng toll fee sa iba’t ibang expressway sa bansa

Sa kabuuan,bagama't marami ang maapektuhan (lalo na ang mga working at middle class) , nararapat lamang na taasan ang pamasahe sa LRT tulad ng iminumungkahi ng DOTC. 


Ikaw, Mapanuring Pinoy, sa palagay mo ba nararapat nang itaas ang pamasahe sa LRT? Sumali na rin sa ating poll

31 comments:

Anonymous said...

taga marikina ako, metro manila rin pero di rin ako nakikinabang diyan. taasan na ang pamasahe niyan

Anonymous said...

sana hindi muna matuloy yan hanggang sa makatapos ako. palagpasin man lang ng march :). malaking pabigat kasi yan sa mga estudyante lalo yung mga hindi masyadong mayaman. sigurado madalas malelate o kung hindi naman ay kailangang umalis ng mas maaga ang mga estudyante dahil mas mabagal sa bus

-daniel

Anonymous said...

putang ina mong blogger ka ang kitid ng rason mo para taasan ang pamasahe ng LRT siguro magulang at pamilya mo drayber o kaya operator kayo ng putang inang bus line..putang inang blogger na to...makita lang kita sa daan papasagasaan kita sa train..walang kwenta ang mga palagay mo..magdyakol ka na lang o patira sa aso niyo..pwehhh!!!! nakakasira ka ng bagong taon..

-boy batuta-

Anonymous said...

boy batuta, mas makitid rason mo kung may rason ka man. siguro isa ka sa mga mananakay ng lrt na matagal na nakakashit sa pamasahe TUWAD

Anonymous said...

@3:01 siguro isa ka sa mga drayber na pagtumaas ang gasolina ay magmamartsa sa lansangan para taasan ang pamasahe tapos pagbumalik ang presyo ng gasolina nakakalimotan ibalik ang dating presyo ng pamasahe..putang ina ka..kaya nga nagtyatyaga sa siksikan sa LRT para makatipid sa pamasahe..magsama kayo ni danny arao pakantot sa aso..

George said...

dapat nang taasan yan. kaming mga taga Ilocos e hindi naman nakikinabang diyan. bakit ipagsasubsidize diyan ang buwis namin? puro sa metro manila binubuhos ang kalakhan ng pondo ng gobyerno. bahagian ninyo naman ang mga probinsya

Anonymous said...

pag tumaas pamasahe ng LRT konti na lang ang sasakay. di na siksikan. pota mauubusan ako ng puwet na mabibiktima neto.

tangina mo palang tae ka eh, ikaw na lang kaya : TUWAD!

Anonymous said...

lagi po ako nabibiktima ni totoy tuwad.dapat pong taasan na yan

Anonymous said...

-Renz

sang ayon ako sa punto MP. tama lang na taasan yan. tama naman yung nakapost. luge talaga ang mga jeepney at bus driver sa ganyang kaayusan. hindi rin makatwiran na mga taga maynila lang ang nakikinabang sa malaking bulto ng pondo. pero dapat talaga hindi na pumasok ang si PeNoy sa mga Public Private Partnership tulad niyan at nung mga expressway. Papogi lang sa umpisa pero pabigat rin pala sa masa.

PS: nakikinabang din ako sa lrt pero mali talaga sa palagay ko ang sistema

HaRdYiCk said...

para sakin.. OK lang na taasan ang pasahe sa LRT.. hindi naman kasi ako nasakay jan.. taga makati ako.. at once in a blue moon lang ako sumakay jan.. hahahaha... taxi na lang ako hindi pa masikip.. hahaha..

Anonymous said...

wow so dahil hindi nakikinabang yung isa jan eh ok lng taasan? wow ha.

ako lagi ako sa monumento mula pagkabata. 2009 biglang dami ng mga probinsyanong pumupunta ng maynila. parang gusto ko na lang ng mas mtaas na fare because of that. kaso mhal 30 if minimum. lugi.

Anonymous said...

tsaka oo nga dapat iextend na lang din sa provinces para di na sila pupunta dito para sumakay at sumiksik sa isang station...

Anonymous said...

^^digs!

Anonymous said...

putangina bakit gumagamit din ba kami ng kalsada na pinagawa ng gobyerno sa ilocos o sa visayas para sabihin nyong hindi nyo naman ginagamit ang LRT, masyado elitista ang blogger nito kung ako sayo tsupain mo na lang aso nyo tutal mahihilig naman kayong mayayaman sa mga aso e, dapat nga ibaba pa ang pasahe sa LRT para hindi sa magnanakaw na opisyal ng gobyerno mapunta ang pera ng taong bayan

Anonymous said...

. . . what if isa-pribado na lang ang Train System ng Pilipinas? Tutal naman, ayaw niyong taasan kasi binubulsa lang, ika niyo ng mga pulitiko. at least, kahit taasan, wala tayong maiaangal- private business nila yan eh.

HaRdYiCk said...

hahaha... eh kahit ano nman kasi ang idaldal natin dito may magagawa pa ba tayo?? huh?? hindi porket mayaman eh hindi na nagamit ng lrt o mrt, minsan nagtitipid din ang mga mayayaman.. taxi fare nga tataas na eh!? yun ang badtrip!! magtaas man ang lrt o mrt OKS lang.. dahil pag malaki na ang pasahe, hindi na sila masikip!! hindi ka na automatic na uusad papasok ng LRT/MRT... hahaha.. and makakatulong din ng malaki sa gobyerno yun dahil WALA NANG PONDO ang gobyerno dahil sa nakaraang administrasyon!!

Anonymous said...

^ gago baka feeling ka lang mayaman na naka iphone pero nag llrt lang, ikaw siguro yung squatter dito samin na sa lasalle nag aaral, kaya nagkakandaloko ang pinas dahil sa mga elitista at feeling elitistang kagaya mo e

sana ibaba pa ang pasahe sa lrt gawin na lang P10 or P5 para naman hindi lang sa mga corrupt na politician mapunta ang pera ng taong bayan, mga hindot na elitista wag na kayo kumontra

HaRdYiCk said...

maari pong mag dahan dahan sa iyong mga salita...alam kong isa ka lang hampas lupa dito sa ibabaw ng lupa, pero wag sanang masamain ang aking mga haka-haka.. hindi po ako elitista para na din sa iyong impormasyon at para naman din madagdagan ang iyong kaalaman sa mga komento dito.. kahit na wala kang utak, tutulungan kitang makaunawa.. unang una po mga kapatid, hindi ako taga lasalle, hindi din po iphone ang telepono ko.. hindi din ako taga squatter gaya mo kapatid.. unang una, ang isang squatter ay walang kakayanang mag aral sa lasalle pwere lang kung sya ay isang pokpok na katawan ang pang enroll o sadya lang talagang matalino.. hindi gaya mo BOBO!

ako ay taga Ateneo, ang telepono ko ay Blackberry at ako ay may sariling bahay dito sa Makati.. eh ikaw? sinu ka ba? at taga san ka?? bumalik ka na lang sa probinsya nyo para matahimik ka na, kung gusto mo kapatid nguyain mo na lang yung damo sa aming bakuran, bigyan na lang kita ng pamasahe pauwi balikan sa MRT o LRT..

hindi na po mabababaan ang pasahe dahil aprubado na ng MALAKANYANG.. hindi ka ba makaintindi kapatid?? huh?! tang ina ka??

walang kokontra sa pagtaas kung makakatulong ito ng mas malaki sa nakararami..

kaya mga kapatid ko pwera lang sa hampas lupang ito.. ^

mabuhay tayo!! mamatay na si ano... nymous..

hahahahaha....

Anonymous said...

hardyick, puro ka satsat. wala naman kameng paraan para ma-verify yung pinagsasabi mo kaya keep telling that to yourself na lang. pero kung taga-makati ka, sabihin mo lang address mo puntahan kita. ayt?

HaRdYiCk said...

manahimik ka na lang letse!!

Mapanuring Pinoy said...

Maraming salamat sa mga nagbahagi ng kanilang opinyon

Anonymous said...

Hardyick kung atenista ka talaga, ikinahihiya kita :)

HaRdYiCk said...

eh lalo naman ikaw.. wala ka ngang bayag o puday para magpakilala eh.. wahahaha.. puro ka anonymous.. wala kang kwenta!!!! kaya manahimik ka na lang leche!! hahahaha...

Anonymous said...

o wag na magreklamo mga loko. konti lang naman pala ang itataas e. mali pala news ng abs cbn diyan. 30 pala ang maximum fare

-Renz

Anonymous said...

Ang LRT daw araw araw ay may 500,000 pasahero. Ipagpalagay na lang natin minimum lang lahat (500,000 x 16 = 6,000,000) Saan kaya napupunta ito at bakit nakukulangan pa sila. Minimum pa yan ha araw araw, e di lalo na siguro kapag tumaas na ang pamasahe.

- Kenneth

Anonymous said...

correction:
500,000 X 12 pala = 6,000,000

Anonymous said...

okay na rin na taasan yan siguro. mag bus na lang yung iba

Anonymous said...

sige na nga itaas ninyo na pamasahe. tangina baka dumami pa ang maaksidente sa mga palpak ninyong pasilidad.

Anonymous said...

Hindi pa nga nagtataas pasahe nila eh puro kapalpakan nang nangyayari! Ayusin muna nila yung serbisyo nila bago sila magtaas. KAYA HINDI UMUUNLAD TONG BANSANG TO EH!

Anonymous said...

tang-inang LRT at MRT yan. ang daming palpak. sunod-sunod ang aberya. yung nagbangaang tren na kaya hanggang ngayon sarado pa rin ang balintawak at muñoz. yung nagkahiwalay na tren sa mrt. yung may natanggal na piyesa sa lrt 2 at yung umusok na tren sa lrt 1. ayusin ninyo serbisyo ninyo

dantskie said...

dapat itaas yan para nmn magkarun kami ng lrt dito sa cavite puro na lang taga manila ang nakikinabang. mga taga manila ang may pinakamataas na minimum sa sweldo tapos sila pa ang nakikinabang sa baba ng pamasahe sa lrt puro na lang kayu. lagi nyong sinasabi kawawa ang mga etudyante kung itataas eh pano nmn ang mga estudyante dito sa cavite na wlang lrt.. kaya dapat lang na itaas yan....mga siraulo kayung lahat na kontra sa lrt fare hike....

Post a Comment