Marami na ang gustong magpatalsik kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Ito ay dahil sa panig daw at pinoprotektahan nito ang nakaraang administrasyon. Wala rin daw itong aksyon na ginagawa sa mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan.
At mas lalo ngang tumindi ang mga panawagang ito matapos pumutok ang balita nitong mga nakaraang araw na pumasok ang Ombudsman sa isang plea bargain deal kay General Carlos Garcia. Sa ilalim ng kasunduan ay magbabayad na lamang ng higit sa 100 milyon ang heneral upang iatras na ang kasong katiwalian sa kanya at ang matitira na lamang ay ang kasong bribery na maaring pyansahan.
Kung matatandaan natin, si General Carlos Garcia ay kinasuhan ng Graft and Corruption matapos di-umano magnakaw ng higit sa 300 milyong piso noong siya ay military comptoller pa. Napakaraming mga ebidensya ang ipinasa ng mga private lawyers tulad ni Frank Chavez na nagsampa ng kaso laban sa heneral.
Kaya nga marami ang nagalit nang malaman na pumasok ang Ombudsman sa isang plea bargain agreement sa heneral. Sabi nga ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte ay kaduda-duda ito. Ayon kasi sa mga abogado, pumapasok lamang daw dapat sa isang plea bargain agreement kapag sigurado na may sala ang isang tao pero walang matibay na ebidensya. Ito rin dapat daw ay ginagamit lamang kapag hindi pa naipriprisinta ang mga ebidensya.
Taliwas ang mga ito sa ginawa ngayon ng Ombudsman kung saan ay matibay ang mga ebidensya laban sa heneral. Naipresinta na rin ang mga ebidensya noong pinasok ang plea bargain agreement na ito. Malinaw na may iregularidad at ito'y kaduda-duda.
Inihalintulad pa ni dating Solicitor General Simeon Marcelo sa isang laro ng basketbol ang mga pangyayari. Ayon sa kanya, kumbaga sa basketball ay last two minutes na at natambakan mo na ang kalaban tapos bigla mong sinabi na tabla na lang kayo.
Maling mali ang ginawa ng Ombudsman. Nagpapahiwatig ito ng maling mensahe na maari naman pala tayong magnakaw ng limpak-limpak na salapi tapos ay isasauli na lang natin ang kalahati at ayos na ang lahat. Tumubo pa tayo.
Mukhang kailangan pa nating umasa sa mas maraming kaso ng katiwalian na palalagpasin ng Ombudsman hanggang nariyan si Ombudsman Gutierrez.
Hindi ata bagay sa daang matuwid ang inyong ginawa Ombudsman Gutierrez. Mukhang nararapat lamang na ikaw ay umalis.
7 comments:
napakinggan ko kanina sa news, ginawa naman pala ng mga special prosecutor ang lahat. kaso talagang kulang mga ebidensya laban dyan sa baboy.may ebidensya sa yaman nung baboy pero walang ebidensya na nangomisyon siya or nagnakaw
^ kumampi ka pa sa gago. lahat ng comptroller corrupt. digs na ng lahat yan.
dyan magaling ang mga AFP. putanginang mga graduate ng Philippine Monetary Academy
RIP to Gen Angelo Reyes. You deserve to die fucker
mukhang wala na namang nangyari sa imbestigasyon sa afp. sayang oras. ombudsman mas bagay ka sa japan
-Mark
hayop ang mga senador.nangbitin pa/ dapat tuloy tuloy na impeachment
masaya na ba kayo nagresign na si merci? bakit hindi pa rin umuusad ang mga kaso laban kay gloria?
Post a Comment