Monday, December 27, 2010

Opinyon Mula sa Isang Mapanuring Pinoy tungkol sa CPP-NPA

Ang mababasa ninyo ay opinyon ng isang mapanuring Pinoy na bumisita sa ating blog. Ito ay tungkol sa ipinost natin patungkol sa ika-42 na anibersaryo ng CPP-NPA

Wala ni konting naidulot na maganda yang mga NPA na yan, puro perwisyo lang. Ni hindi nila naiintindihan ang tunay na pinaglalaban nila o kung ano ang kailangan ng tunay na mahihirap. Naghihirap ng nga ang mga Filipino lalo pa nilang pinagugulo ang buhay. Ayaw nila ng katahimikan, kapayapaan at kaunlaran, gusto lang nilang magpasikat, maging laman ng balita bilang mga sanggano, nagtatatapang tapangan sa pananakot at pag patay ng mga walang kalaban-labang mamamayan, bakit si Gloria at ang mga alipores at anak nila hindi nila nagawang galawin, bakit dahil ba sa napalaki ng binabayad nilang "REVOLUTIONARY TAX" busog na busog sila at hindi naghihirap?

Bakit hindi nila harapin ang kahirapan ng buong tapang, sipag at tyaga lang naman pwede na tayo mabuhay. Pero ano ang ginagawa ng mga NPA, "EXTORSION" ang ginagawa nila, ultimong mahirap na mamamayan nag uumpisa magnegosyo hinihingan na nila ng revolutionary tax kung hindi magbigay, susunugin ang negosyo mo at pagbabantaan ka pa. Kawawang Filipino talaga.

Ano ba talagang pinaglalaban ninyo, nasan ang katarungan. Habang nagpapakagago ang mga miyembro dito sa Pinas na mga gago naman talaga nasan sila Joma Sison, ayun nagpapakasarap sa ibang bansa. Kawawang mga Filipino biktima ng matatamis na salita ng mga nagpapanggap ng matalino upang makapag hikayat ng mga bagong miyembro gamit ang baril at mapang akit ng mga babae, hihikayatin kang sumama sa grupo nila. Kaya naman mga ugok at mapupusok ang miyembro nila.

Isa yang UP na yan, pugad ng mga nagpapanggap na matalino, pinopondohan ng gobyerno pero numero unong tagapag-taguyod ng komunismo.

Meron akong isang kwento mula sa isang sitio sa barangay namin, mahirap ng sabihin baka mapahamak pa tayo. Isang malaking pamilya, mag asawa at anim na anak, mayroong isang maliit na tindahan, maliit na negosyo upang itaguyod ang pamilya, sapat lang para sa araw-araw na pang kain. Ngunit lingo-linggo may bumababa galing sa bundok may dalang sako at papel kung saan nakalista ang mga kelangan nila. Aalis at magpapasalamat naman kapag nakuha na ang mga kelagan nila. Hindi nagtagal, AYUN sarado na ang tindahan. Sa isang sitio sa probinsya hindi mo maipagkakaila kung totoo kang kasapi ng NPA o hindi, kumpirmado sang miyembro ng NPA ang kumukolekta ng pagkain at kung anu ano pa sa mga tindahan sa kapatagan. Tapos sasabihin nila naghihirap sila sa bundok para lamang itaguyod nila ang kanilang layunin, mga GAGO, TARANDADO kayong mga NPA kayo.

Buti ng lang merong mga ganitong forum, atleast pwede natin mailabas kung ano talaga ang nilalaman ng ating damdamin at opinyon na walang kinatatakutang pagbabanta, putol dila o ibaon ng buhay.

Salamat sa mapanuring pinoy blogspot na ito.


- Kenneth

21 comments:

Anonymous said...

Oops! Relax lang kapatid na kenneth! hindi oobra yang propaganda mo kasi sa kanayunan mahinahon magsalita ang mga NPA at di sila bastos katulad mo na nakikita sa pananalita mo! kaya nga palaging talo sa masa ang mga katulad niyo eh! pumunta ka nga sa kanayunan kapatid kung saan nadun ang mga sonang gerilya at malalaman mo kung anong ganda at sarap ng buhay kasama ang mga NPA!

Levi Santana, relihiyoso at totoong mapanuri at hindi mapanira lamang.

Anonymous said...

yun naman talaga ang paraan ng mga bugok na NPA ang magsalita ng mahinahon sa mga taong mangmang para mahikayat at sumapi sa kanilang grupo para magwasik ng kagulohan at pananakot sa lipunan..

Gerilyang Papatay sayo said...

ang bobo naman ng post nato. hoy hindot na mapanungkit na pepe, malas mo dahil kita ko IP address mo, NPA to boy, tatambangan ka namin. salot ka sa lipunan, ikaw yung mga tipong tagasipsip ng tinggil ni aroyo at ng palasyo. magdasal ka na kay barney kupal.

Anonymous said...

@3:33 putang ina mo kahit naman mahanap mo ang IP address bakit mahahanap mo ba ang location..ang bobo mo..ganyan man talaga paraan niyo manakot ng tao bugok..tang ina ka, sana mapatay ka kaagad ng militar o kaya mabaril mo ang sarili mo..salot ka sa lipunan..

Mapanuring Pinoy said...

Pakiiwasan po natin ang mga pagbabanta rito. Mayroon po tayong malayang talakayan dito. Salamat

Totoy Saltik said...

Binabago na ng panahon, teknolohiya at edukasyon ang uri ng rebolusyon..

Anonymous said...

itanong mu ke pnoy kung bakit nya pinapapaborang ang mga NPA...yan ang problema pag me dugong kumunista ang nakaupo..ask him bakit pinatakas ng nanay nya si joma sison at pinaupong agriculture sec si ruben torres..syang kung naging matino lang tayo sa pagpili..at nga pala hipag ni doj sec si joma sison ang leader ng npa na nsa the Netherlands

HaRdYiCk said...

@Gerilyang Papatay sayo: "hahaha"... yan lang masasabi ko sayo.. hahahaha.. check mo ip address ko tapos punta ka dito sa fort bonifacio,tignan natin kung mapapatay mo ko.. hahahaha...

about sa topic natin dito.. ako man din ay naguguluhan about sa pinaglalaban ng NPA,hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung anu ang pinaglalaban nila, marami silang party list, anjan na ang Gabriela, KMU, Anak bayan, anak pawis, eh mga kamote nga tawag sa kanila ng AKBAYAN eh.. panu kung saan may isyu, bigla na lang sila susulpot, oppose lang sila ng oppose walang propose.. tama ba spelling ko? ahh basta, pansin ko lang na lagi lang sila sa umpisa mainit pero kapag malamig na sa media, malamig na din sila.. ganun ba talaga kayo? huh? hindi na lang tayo mag tulungan sa pag unlad ng bansa na to o kaya magtanim at mag araro sa bukid,makikinabang pa kayo ng mabilis..

Anonymous said...

Imbis na pumatay ang mga NPA na yan, bakit hindi nila muna linawin sa mga mamamayang Pilipino kung anu ba talaga ang ipinaglalaban nila kasi talaga namang hindi sila maintindihan, kada lalabas sila sa balita ay barilan at paninira ng cell site ang dahilan.

Sa totoo lang wala namang nakakaintindi sa NPA na mga ordinaryong mamamayan. Subukan nyung magtanong kung anu ang nalalaman nila at wala din silang masasabi ang alam lang nila ay pumapatay sila at dapat katakutan sa dun sa magubat na probinsya.

Anonymous said...

. . . isa pang pilit kong iniisip? saan nagmumula ang mga armas ng mga rebelde? may finacer kaya sila? or may naaamoy akong galunggong?

HaRdYiCk said...

san pa eh di sa militar din.. hindi naman magkakaron ng malalakas na armas yan kung walang tao sa likod ng AFP.. may kasabwat yan malamang.. dahil lahat ng nakuhang armas sa kanila eh may serial code so it means na legal yun na pagmamay ari ng pamahalaan.. abu sayyaf nga eh, ang liit na grupo hindi maubos ng mga sundalo natin.. ang liit ng basilan!! lage ko na lang mababalitaan sa TV eh may patay nang sundalo,mas marami pang casualties ang sundalo natin kesa sa mga lintek na terorista!! anu kayang dahilan???? GAMES OF THE GENERAL ba ang labanan dito??

Anonymous said...

@ December 29, 2010 6:42 AM Levi Santana

Isa akong taga Mindoro kaya alam ko kung ano ang galaw ng Militar at NPA marami din akong kakilalang NPA, nalalamang kwento mula sa mga NPA, supporters ng NPA, meeting place ng NPA, kuta ng NPA at gawain ng NPA, pero hindi ko ito ipinaalam sa mga militar, mahirap na kasi.

Ano naman kung sinasabi mong relihiyoso ka e meron ngang PARI na sumusuporta sa mga katarantaduhan ng NPA e. Sya nga pala, anong opisyal na relihiyon ng NPA, baka naman satanismo. Nagtataguyod ng madugong rebulusyon, ipagmamalaki mong relihiyoso ka.

Nabanggit ko na rin, magaling ang mga NPA sa mabubulaklak na pananalita upang hikayating ang mga ordinaryong tao na paniwalaan sila. Sang ayon ako, hindi sila bastos manalita, pero hindi nila mapagtatakpan ng pagiging magalang ang mga kawalang hiyaan nila.

Ipagpatawad mo kung nagiging bastos ang ilan sa mga panulat, hindi ko kasi mapigilan ang alab ng aking damdamin habang isinasa titik ang aking mga saloobin. Habang patuloy mong ipinagtatanggol ang mga kalokohan ng mga NPA na wala naman talagang ipinaglalaban, lalo akong nanggagalaite sa sabihin lahat ng nalalaman ko, kung pwede lang sana ay banggitin ko na ang mga lugar pangalan at pangyayaring sangkot sa aking mga nasaksihan sa mga bayan ng Mindoro. Dito ko lang din pwede ipahayag ang tunay kong damdamin tungkol sa usaping ito, hindi kasi pwedeng personal akong magsalita laban sa inyo, mahirap na.

Ngayon, baka ikaw ang hindi pa nakakarating sa nakayunang sinasabi mo.

Paano ka naging mapanuri e one sided ka rin e, basahin mo na lang ng maayos yung mga nauna kong comments, baka maliwanagan ka pa.

Liliwanagin ko lang pong muli, hindi ko ipinagtanggol ang mga militar, pareho lang kayong may ipinaglalaban, at may pang aabusong ginagawa. Kung mas bulok din lang ang papalit sa bulok don na ako sa bulok kaysa mas bulok.

Tungkol naman sa komunismo na sinasabi nyong tunay na demokratiko, doon na ako sa pinaniniwalaan kong kasalukuyang demokratiko. Baka naman ikaw mismo ang hindi nakaka intindi sa komunismo.

- Kenneth

HaRdYiCk said...

basta NPA means NO PERMANENT ADDRESS kasi lage hinuhuli ng militar.. hahahahaha

Anonymous said...

Hardyick,Otoy, dumali ka nanaman tatanga tanga kananaman, nakikiusap ako sa'yo wag kana sumali dito, para lang ito sa may mga utak.Hindi pwede dito yung nakapahid lang ang utak sa noo.

Pasensya kana Otoy, kahit na pareho tayong anti-NPA sa totoo lang napaka bobo mo talaga.

Anonymous said...

^ hahaha

Oo nga tama, Hardyick wag kana sumali dito kawawa ka lang Otoy mapupulaan ka lang ng mapupulaan dito mabuti manahimik ka na lang dahil wala ka talagang alam tungkol sa usaping ito.

Ukol naman sa usaping inihain sa atin ni mapanuring pinoy, ako bilang isang simpleng mamamayan na may simpleng kaisipin na walang pinapanigan mapamilitar man o NPA mayroon ding nais ibahagi sa inyo at kayo na ang bahalang humusga. Ako po bilang isang mamamayan sa isang maliit na bayan sa Mindoro ay marami ng nasaksihan at nalalaman tungkol sa panlilinlang ng mga estudyante ng UP sa mga mahihirap na katutubo at magbubukid upang hikayating sila na makibaka upang labanan ang gobyerno. Gamit ang kanilang talino at kagandahan inaakit ang mga mapupusok na kalalakihan na karamihan ay kabataan.

Nagsimula ang kalbaryo ng aking mga kababayang Mindoreno partikular sa aming bayan ng tuluyan nilang malason ang kaisipan ng karamihan,na ang ilan ay tuluyang nag armas at ang ilan naman ay mga patagong sumusuporta na kung tawagin ay "pasa-bilis".

Ang mga sumusunod po ay ang aking mga nasaksihang di kanais nais na mga pangyayari sa para sa akin ay gawain lang ng bandido at teroristang mamamatay tao.

Una nilang naging biktima ang dalawang cafgu na ang layunin lang naman ay magkaroon ng trabaho para may maipakain sa kanilang pamilya, brutal silang pinatay at ibinaon ng labas ang tuhod.

Ikalawa: Nariyan na ginawa nilang isakripisyo ang isa sa sarili nilang taga suporta para mapagbintangan lang ang mga militar.

Ikatlo: Garapalang panghihingi ng revolutionary tax sa may mga konting negosyo at mga pulitiko tuwing eleksyon.

Ikaapat: Ang tahasang pakikialam sa eleksyon at pagsuporta sa pinaka mapera at mga walanghiyang pulitiko tulad ni RGV.Nariyang lumaganap ang madugong ambush sa mga kalaban sa pulitika gamit ang mga bayarang NPA.

Ikalima: Garapal na pagsuporta sa jueteng at panghihingi ng suporta pinansyal sa mga bangka nito. Nariyan pa nga ang brutal na pagpatay sa isang hepe ng pulis sa pamamagitan din ng isang ambush na walang kalaban laban at nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Batid naman namin na ang naturang pulis ay tapat sa kanyang tungkulin at nilayon labanan ang illegal na juetang.Hindi maiipagkaila na NPA ang may kagagawan sapagkat pagkalipas ng ilang ay nagpalabas sila ng liham sumisira sa katauhan ng mabait na hepe upang ipagtanggol ang kanila ginawang kawalnghiyaan at kawalang pusong pagpaslang.

Ikaanim: Ang pagpatay sa aming Mayor na isang dating sundalo. Ang naturang Mayor ay ang naging mahigpit na katunggali ng isang maka NPA na pulitiko. Ang naturang Mayor ay nagpakita sa kauna unahang pagkakataon ng sigasig ang gilas upang ang aming maliit na bayan ay paunlarin at mapasikat sa buong lalawigan ng Mindoro. Ninais nya ang kapayapaan subalit ang iginanti sa kanya ng mga bandido ay "KAMATAYAN SA LOOB NG SIMBAHAN", kasabwat ang isang paring na nagngangalang "FR.FIEL" na kasalukuyang pari ng naturang simbahan.

Subalit laking pasasalamat po namin ng dumating sa bayan namin ang isa sa pinaka walanghiya ding Colonel pa lang noon na si Jovito Palparan. Dahil nga sa walanghiya ang naturang militar ay nagawa nyang paslangin ang mga NPA sampu ng kanilang mga pamilya at ibalik sa kanila ang kalupitang ipinadanas nila noon.

Nakakawa ang pamilya ng mga naturang mga NPA pero sa tingin ko ay tama lamang, bilang halimbawa.

Kayo na po ang bahalang humusga.

Theodoro Pentinio

Anonymous said...

theodoro tanong ko lang, may UP ba dyan?

ganyan talaga mga NPA. pag natatapakan interes nila, mali na kagad yun. wala silang ibang solusyon kundi armas. kaya dapat pulbusin din sila at gamitan na ng armas. tama nga si mapanuring pinoy. bakit ang npa pag may napatay may negosasyon? bakit ang pulubi pag nangsnatch e diretso na sa kulungan?

Anonymous said...

Wala pre, dumarayo lang talaga sila kasama ng mga NPA dito.

Mga NPA talaga sila.

Theodoro Pentinio

ben said...

bakit wala ng maka NPA na nagcocoment...napahiya sila siguro kay teodoro kasi madami pala syang nalalaman..mabuhay ka teodoro!!!

sana isulat mo pa dito yung iba mo pang nalalaman..

Anonymous said...

tama ka.ginagawa na lng ng mga NPA negosyo ang labanan.mga bobo at tanga lng ang sumasama sa NPA,pati na rin sa mga sumusoprta nito.gabriela,bayan muna,anakpawis

Anonymous said...

maraming inutil sa UP. sinasayang ang budget ng gobyerno. pugad yan ng komunismo at idealismo. hindi nila kayang harapan ang katotohanan

isabelle said...

hndi ako makamilitar pero sumasangayon ako kay kenneth at kay Theodoro Pentinio. Ako din ay galing s maliit n nayon s Iloilo.

Hindi ko lubos maisip n pari ang pari s nayon n iyon ay NPA din. Kada linggo nagmimisa sya pero pagkatapos nyang magmisa hawak n nya ang kanyang armalite.

Masaya ako at malayo n ako at ang aking pamilya s lugar n yun dahil kawawa ang mga tao doon. Napapagitnaan sila ng mga militar at mga NPA. Kada linggo ay bumababa ang mga NPA s bundok n hndin nman kanila para mang extort s kokonting meron ang mga sibilyan. Pati ang alagang manok eh pinapatos.

Bakit kaya sa bundok nila ipinaglalaban ang kanilang mga ideology eh puro mga magsasaka ang mga tao dun ng wala nman kamuwang muwang. naghahanap lang sila ng mga tao n pwede nilang lokohin, saktan, at imamanipula dun s baryo dahil dito sa syudad ay hndi nman sila pinapansin dahil wala nman silang kwenta at wala namang naitulong para mapaganda ang buhay ng mga pilipino.

wala silang karapatang sabihin na sila ay nakikipaglaban para sa karapatan ng mga simpleng tao dahil sila mismo ang unang yumuyurak sa karapatan ng mahihirap na hndi kayang ipagtanggol ang sarili.

Dapat maubos na sila at ilibing ng buhay dahil katulad lang din naman nila ang mga abusado at mapang.aping militar. Kapag naririnig ko ang "NPA" ang daming masasamang alalang bumabalik. Isa na dun ang pagkamatay ng tito ko n kapatid ng tatay ko. Pinatay sya ng mga NPA dahil hndi sya nagbigay ng bigas nung nanghingi cla para dalhin s bundok. Dahil lang sa kokonting bigas pinatay sya.

DAPAT MAGING MASIGASIG TAYO SA PAGPUKSA SA MGA WALANG KWENTANG NPA N ITO. WALA N SILANG DINALANG MABUTI SA BUHAY NATING LAHAT. SA TINAGAL TAGAL NILA MAY NABAGO BA SILA? MAY NAITULONG BA SILA PARA MAPABUTI AT MAPAGAAN ANG BUHAY NATING MGA PILIPINO???

Post a Comment