Lumabas sa pinakabagong pag-aaral na isinagawa ng Harvard na ang mga Pilipino ang pinakamadaling maloko at utuin na mga tao sa buong mundo (Mosquito Press, 2011 [http://mosquitopress.net/post/3854901510/harvard-study-finds-that-filipinos-are-the-worlds-most]).Ayon pa sa nasabing ulat, ang ilan sa patunay na ang mga Pinoy ang pinakamadaling maloko at mautong mga tao ay ang mga sumusunod.
- Paniniwala na bahagi ng Kristiyanismo ang pagtutuli
- Paniniwala na nagkaroon ng sabwatan sa Battle of Manila Bay
- Paniniwala na si Agapito Flores ang nakaimbento ng flourescent lamp
- Paniniwala na si Eduardo San Juan ang nakaimbento ng Moon Buggy
Sinasabing madali raw lokohin ang mga Pinoy sapagkat kadalasan ay hindi na nila sinisiyasat kung saan nanggaling ang mga impormasyon. Mabilis din na naniniwala ang mga Pinoy sa sinasabi ng ibang tao, ng media at ng mga nakikita sa internet.
Si Dante Guevarra, ang PUP President |
Naalala ko tuloy yung kumalat na text tungkol sa radiation kamakailan lamang. Bagama't hindi kapani-paniwala ang text at paulit-ulit na itong pinasisinungalingan ng pamahalaan, marami pa rin ang naniwala rito. Marami ang nagpanic, bumili ng betadine at gumawa ng koneksiyon ng tsunami sa katapusan ng mundo. Nakakalungkot din na mismong sa akademya, na inaasahang mapanuri at makakapagdesisyon ng matalino, ay may mga naniwala sa text tungkol sa radiaton. Sinuspende ng PUP sa bisa ng utos ng kanilang pangulo na si Dante Guevarra ang klase dahil sa takot sa radiation. Bukod dito ay mayroon ding mga elementary school na nagsuspinde ng klase.
Maski ang mga domestic helper na Pinoy sa Hong Kong ay nagmadaling bumili ng iodized salt sa paniniwalang maganda itong panlaban sa radiation.
Sa kabilang dako, tuloy naman ang mga klase sa iba't ibang paaralan sa Tokyo na di hamak na mas malapit sa Fukushima kaysa sa Manila.
Bukod dito ay marami pang pagkakataon na masasabing madaling maloko ang mga Pinoy. Nariyan ang mga text scam, pyramiding scam at iba pa.
Sa tingin ko, siguro nga ay madaling maloko ang mga Pinoy.Isang dahilan siguro kung bakit madaling maniwala ang mga Pinoy ay ang kakulangan sa edukasyon. Mas madali kasing maloko ang mga hindi nakapag-aral kaysa sa mga nakapag-aral. Nakatitiyak ako na mas maraming mga tambay kaysa sa mga nasa akademya ang naniwala tungkol sa text sa radiation.
Ang kumalat na text tungkol sa radiation |
Ang media rin na kinabibilangan ng radyo, telebisyon at dyaryo ay may parte rin sa pagiging madaling maloko ng mga Pinoy. Natural kasi sa mga Pinoy na maniwala sa kanilang nababasa, napapanood at naririnig sa media dahil ang pagkakaaalam nila ay totoo lahat ng sinasabi nila.
Maaaring madali nga tayong lokohin at utuin paminsan-minsan at napatunayan na ito ng maraming pagkakataon. Kung naniwala ka sa ulat ng mosquito press na aking isinaad ay isa uli itong patunay na madali ngang maloko at maniwala ang mga Pinoy. Huwag kang mag-alala. Mayroon ding kolumnista na nabiktima ng nasabing ulat.
Mga kapwa Pinoy, huwag dapat tayo basta maniwala sa kung ano-ano. Dapat ay alamin muna natin kung saan nanggaling ang impormasyon at kung may kredebilidad ba ito. Dapat ang Pinoy , hindi nagpapaloko Dapat ang Pinoy, mapanuri.
Ikaw, naniniwala ka ba na madaling lokohin at utuin ang mga Pinoy? Bakit? Sumali na sa talakayan mga kapwa Mapanuring Pinoy.
24 comments:
Pare 1: astig si hulk hogan sa wrestlemania 3.nanalo sya sa bodyslam match kontra kay andre the giant.
Pare 2: ikaw pala 'tong pinoy e.bakit ka ba nagpapa-uto dyan sa wrestling-wrestling na yan?
Pare 1: sige, nood na nga lang tayo ng that's incredible.
Pare 2: teka,magaling na ba yung bali sa leeg ni bobby "the brain" heenan?
basta taga PUP bukod sa wala ng pera bobo pa at karamihan nag aaral dyan e mga muslim
tangina bakit ba andaming muslim hater? hindi po namin pinapaaral sa PUP mga anak namin. May utak naman kami kahit papaano.
http://mosquitopress.net/faq
Then, google satirical.
Cool story, bro. Di bale, sumunod ka naman sa yapak ni Carmen Pedrosa.
Gullible nga tayo. Thank you sa mga katulad niyo.
mas mainam kung babasahin muna natin ang buong lathalain bago tayo gumawa ng komento. lalo na yung pangatlo sa huling talata. Salamat
Pare 1: Pare uto-uto raw tayo.
Pare 2: Ha? Hindi no. Baka si Anonymous lang na nagpost noong April 7, 2011 3:21 AM. Hindi kasi nagbabasa
Pare 1: Luto na ba yung tinola?
^ulol!
http://goo.gl/fjX46
Pare 1: Antanga naman nung 3:21 commenter hindi nagbabasa.
Pare 2: Tingin ko na-setup siya nung mapanuring pinoy. hindi rin agad nilinaw na hoax yung balita e. gusto yatang maka-uto rin ng reader. feel na feel niya yung sagot niya dun sa commenter e.
Pare 1: Aba, nagiging mapanuri ka na a!
Pare 1: Ano ba pangalan mo?
Pare 2: Jolina
Pare 1: :o
Tangang Carmen Pedrosa. Nabibiktima ng mosquito shit. Ay oo nga pala. Putangina gobyerno
bakit dumami troll dito?
-Mark
buti tinatanggal yung ,ma-epal na pinoy spammer.wala bang bago?
maraming talagang gullible na pinoy. kung gusto ninyo magtest pa pex. :)
tangina ang bobo ng mod dito nagbubura ng comment! muslim amputa!
yung mga taga Hay Men talaga walang alam. wag na kayo umepal dito
-Mark
Pare 1: (comment deleted)
Pare 2: (comment deleted)
Pare 1: (comment deleted)
Pare 2: Maya-maya..
Pare 3: Ano yang pinag-uusapan nyo?
hay naku..
mdami tlgang gullible na pinoy..
sila ang target ng mga ungas na blogger..
mgpo-post sa isang sikat ng blog para mkilala ung blog nila.. tapos pag dinadayo na ung sariling blog, kala mo kung sino..
^ kasama ka sa mga ungas?
^ kasama ka sa mga ungas?
Pedeng sumama?
Nagsuspindi ng classes ang PUP kasi sa dami ng frantic callers (parents) na nagi-inquire kung bakit di pa nila sususpindihin ang classes dahil sa text na natanggap nila (maaring mula rin sa mga anak nila na gustong mawalan ng pasok).
bobo mga pup iskwater
-isko
nakakainis yung naghahanap ka ng legit article na nagsasabi na easily persuaded and mga pilipino then you come across this one, believing na may mailalagay ka sa research mo, na may maipapasa ang grupo mo sa prof mo. tas joke lang pala. aba matinde. thank you ha.
Post a Comment